ni Peter Ledesma
Ngayon ay hindi na lang basta alalay, ang mga mother ng daily contestant sa Little Miss Philippine 2014.
Dahil this year, binigyan-pansin at pinahahalagahan ng Eat Bulaga ang papel ng isang nanay sa kanyang anak, kaya kasali na sila sa prestigious talent search na ito for kids. Yes sa Little Miss Philippines, My Mini Me ay ka-join na sa talent portion ng mga little Misses ang kanilang mother dear. Ang taray pati outift terno ang mag-Nanay na para silang mga kambal. Dapat pareho ang talent nila, kung kakanta, sasayaw, drama, tutula, drawing etc., ang kalahok ay ‘yun din ang gagawin ng kanyang Mommy. Sa paglulunsad nito noong March 24, Lunes, dalawa ang itinanghal na winner at sila ay sina Little Miss Philippines contestant #2 Alyssa Imatong ng Montalban Rizal at ang mula sa Mandaluyong City na si contestant # 3 Pauline Fheb Sitchon. Wagi sila ng P15K each at ang tinalo nila ay tumanggap naman ng P10K bilang consolation prize. Kapag solo winner lang ay magwawagi siya ng P20K.