Dennis na-badtrip kay Gelli 

Dennis Trillo Gelli de Belen ChikaCart

MATABIL
ni John Fontanilla

WALANG paligoy-ligoy at tahasang sinagot ni Dennis Trillo ang pagsawsaw ni Gelli De Belen sa issue nina Patrick Garcia at Jennylyn Mercado.

Sa Chika Cart nag-guest si Gelli para i-promote ang kanyang latest movie, Mantsa, natanong ito tungkol sa issue nina Patrick at Jennylyn.

Komento ni Gelli, “Hindi kailangan maging ganito kalaki kasi the reason why this was brought up was because nasasaktan ‘yung anak ni Patrick.

“Sana ‘wag nating kalimutan na may mga batang pinag-uusapan dito…

“Sila talaga ang pinaka-importante. Dahil ‘yung mga magulang, mga nakatatanda, nakapag-move on na sila sa mga buhay nila. 

“So, sana let’s show the young ones what is right, what should be done, and not show them all these bad stuff.”

Sinagot ito ni Dennis at hayagan ang pag-disgusto sa tinuran ni Gelli.

“@gellidebelen nananahimik kami… lahat yan ay natural na reaksyon ng matinong TAO! Pasalamat kayo, dinaan ko [na lang] sa ganyan. Oo kawawa talaga mga bata, may mga anak din kami! Sisihin mo yung nagsimula ng gulo! ”

 “@gellidebelen ako lang ba o parang may kinakampihan ang mga magagaling na ito? Congrats sa new show sa GTV !!!! bagay na bagay kayo jan 💩💩💩💩💩”

“Agree lang ng agree ang mga #8080,” dagdag pa ni Dennis.