MA at PA
ni Rommel Placente
MASUSUNDAN na ang panganay nina Zanjoe Marudo at Ria Atayde na si Sabino.
Inamin ng aktor na buntis ngayon ang kanyang misis nang makausap namin siya sa private screening ng pelikula nilang Apol of My Ai, na gumaganap siya bilang tatay ng bidang si Zion Cruz.
Sabi ni Zanjoe, “Buntis si Ria hindi lang namin ina-announce.”
Hindi pa lang sure si Zanjoe kung ilang buwan na ang dinadala ng misis niya.
“‘Pag sure na ako, ia-announce ko,” sabi pa ni Zanjoe.
Sa tanong kung girl o boy ang kanilang ikalawang anak, ang sagot niya, “Naku at saka na natin i-announce at kahit ano, babae o lalaki.”
Spoiler na ama ba siya o disciplinarian?
“Parehas, eh. May mga punto na magiging disciplinarian (kasi) ayaw mo namang masanay na ganoon (spoiled).
“Pero may mga time na spoiler ako, kasi kawawa naman kapag hindi mo ibibigay,” esplika pa niya.
Samantala, si Zanjoe ang nanalong Panalong Pangalawang Aktor sa ginanap na Puregold CinePanalo Film Festival para sa Apol of My Ai.
In fairness, nang mapanood namin ang pelikula, mahusay si Zanjoe, huh! Subdued ang akting na ipinamalas niya. Deserved niya na manalo.
Hindi nakadalo si Zanjoe sa awards night para personal na tanggapin ang kanyang tropeo kasalukuyan kasi siyang nasa shooting, at sobrang layo kaya imposibleng makarating siya sa awards night.
