Mga pelikula sa Puregold CinePanalo extended

Chris Cahilig Puregold CinePanalo Film Festival CPFF 2026

MATABIL
ni John Fontanilla

PINALAWIG pa sa mga sinehan ang ilan sa mga pelikulang ipinalabas sa Puregold CinePanalo Film Festival 2026 sa pangunguna ng napakasipag nitong Festival Director na si Chris Cahilig.

Nagsimula ang Puregold CinePanalo Film Festival last Sept. 24 at nagtapos ng October 04. At kung paano dinumog ang first day ng festival ay ganood din noong last day na sobrang dami ng tao at na-sold out ang tickets ng mga pelikulang kalahok.

Kaya naman labis-labis ang pasasalamat ni Chris sa mga taong sumuporta at nanood ng mga pelikulang kasama sa Puregold CinePanalo Film Festival 2026.

Post nito sa kanyang Facebook:

“Ba’t parang opening day ng Puregold CinePanalo? Sold out screenings. Ang daming tao!!!”

Na sinundan nito ng another post, “What a blast! Hanggang sa muli, mga ka-Puregold!”

Marami nga ang nagsasabi na mas maganda pa ang mga pelikulang kasama sa Puregold CinePanalo Film Festival, kaysa ibang mga filmfest sa bansa.

Bukod sa nag-enjoy ka na sa panonood, may free groceries ka pa sa tuwing bibili ka ng ticket. And there’s more, dahil may pa-libre pang personalized tote bag hatid ng Stegel Enterprises ni Sir Norman, Imunni, at iba’t iba pang produkto na mabibili mo sa Puregold.

Saludo rin kami sa mga mababait at maasikasong staff ng Puregold CinePanalo Film Festival na sina Ms Leselle, Ms Judy, TJ and company.

Hanggang sa susunod na taon! Congratulations Puregold CinePanalo Film Festival 2026!