Wednesday , June 24 2026

Daughter ni Sheryl Cruz sa ex na si Norman Bustos graduate na sa high school

ni  Peter Ledesma

NABASA namin sa isang website na isa sa naging cause ng hiwalayan noon nina Sheryl Cruz at Norman Bustos ay ‘yung kagustohan ni Sheryl na kapag umuwi siya ng bansa at magbalik-showbiz ay kasama niya ang mag-ama niya.

Pero dahil hindi puwedeng iwan ni Norman ang kanyang trabaho bilang firefighter sa San Franciso nag-decide silang mag-asawa na maghiwalay na lang. Pero as of now kahit divorced na ang dalawa ay okey pa rin ang relationship nila dahil may anak nga sila na si Ashley. Kamakailan lang sa graduation ni Ashley sa High School ay kompletong dumating ang parents na sina She at Norman sa graduation ceremony at makikita sa mga ini-post na larawan ni Sheryl sa kanyang Facebook account na masayang-masaya ang kanilang daughter. Kay Ashley pa rin parang wala naman yata siyang balak sundan ang yapak ng kanyang Mommy at mas feel pa niyang mag-concentrate sa kanyang pag-aaral. Napakabilis talaga ng panahon, ngayon ay may HS graduate daughter na si Sheryl, na ‘till now ay nanatiling single. Mapapanood ang actress sa Galema tuwing hapon sa Kapamilya Gold sa ABS-CBN 2.

At least active pa rin siya gyud!

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Sheena Halili Baby Family

Sheena excited sa ikatlong baby

MATABILni John Fontanilla MASAYANG-MASAYA ang Starstruck alumni na si Sheena Halili sa paglaki ng pamilya nila ni Jeron Manzanero, ang guwapo …

BJ Forbes Kara David

BJ Forbes na-depress, nawalan ng bahay

MA at PAni Rommel Placente SA interview sa kanya ni Kara David, naikuwento ng dating child …

David Licauco Barbie Forteza Kathryn Bernardo

David game muling makipagtrabaho kay Barbie

ni Allan Sancon SA kabila ng patuloy na panawagan ng mga tagahanga para sa muling …

Jose Manalo

Jose kayang-kayang magsolo, klick din sa foreigner

I-FLEXni Jun Nardo KINAYA ng komedyanteng si Jose Manalo na aliwin ang crowd na dumagsa sa Turning …

Ian de Leon Lotlot de Leon

Bangayan nina Lotlot at Ian tumitindi

I-FLEXni Jun Nardo SINASABI pa lang ang role ni Lotlot de Leon sa story conference ng gagawing …