Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

May kasama akong bagitong senador — Jinggoy (Sa dinner kay Tuason sa Malampaya mansion)

IBINUNYAG ni Sen. Jinggoy Estrada, isang bagitong senador na miyembro ng majority bloc ang kasama niyang nakipag-dinner sa Malampaya mansion ni Ruby Tuason sa Dasmariñas Village, Makati City.

Ayon kay Estrada, personal na inimbita sila ni Tuason na mag-dinner sa mansion bago ang May 2013 elections.

Gayunman, agad nilinaw ni Estrada na walang kinalaman sa pork barrel scam ang natalakay sa dinner.

Ngunit tumanggi ang senador na pangalanan ang bagitong senador.

Matatandaan, anim ang naging bagong senador noong 2013 at ito ay sina Senators Grace Poe, Bam Aquino, Sonny Angara, Cynthia Villar, Nancy Binay at JV Ejercito.

Sa anim na senador, sina Poe, Aquino, Villar at Angara ang miyembro ng majority bloc.

Tumanggi na sina Poe at Aquino na nagkaroon sila ng pagkakataon na maka-dinner si Tuason.

(CYNTHIA MARTIN)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …