Friday , May 3 2024

Cardinal Quevedo nag-resign

MAGHAHAIN  ng resignation kay Pope Francis   ang bagong talagang  Cardinal Orlando Quevedo bilang Arsobispo ng Cotabato.

Ayon kay Cardinal Quevedo, ang pagsapit niya sa mandatory age ng pagreretiro sa Marso 11, ang kanyang ika-75 kaarawan ang dahilan ng kanyang pagreretiro.

Sinabi ng Arsobispo,  nakasaad sa  Code of Canon Law, na ang mga Obispo ng Simbahang Katolika ay kailangan maghain ng resignation pagsapit ng kanilang  ika-75 taon.

Hindi lamang siya magiging tagapayo sa Santo Papa kundi aakto rin siyang Kardinal ng Mindanao at “unofficial spokesperson” para sa mga Obispo ng Mindanao.

Kaugnay nito, sinabi ni Lingayen-Dagupan Archbishop Emeritus Oscar Cruz, kompiyansa siya na hindi tatanggapin ng Sto. Papa ang pagbibitiw ni Archbishop Quevedo dahil katatapos lang niyang maluklok bilang Cardinal.

Ani Cruz,  ang isang Kardinal ay maaaring magretiro sa edad  80. (leonard basilio)

About hataw tabloid

Check Also

Bulacan Police PNP

Sa Bulacan
MWP, ILLEGAL GUN OWNER, KAWATAN NG MOTOR NASAKOTE

ARESTADO ang tatlong indibiduwal na pawang lumabag sa batas sa sunod-sunod na operasyon na isinagawa …

Bulacan ilog dredging

Limang ilog sa Bulacan bumabaw  
282-M METRO KUBIKONG BURAK AT PUTIK IPAHUHUKAY NA

AABOT sa 282.02 milyong metro kubiko ng burak, putik at basura ang target alisin sa …

shabu drug arrest

2 katao arestado, P.387-M shabu kompiskado

Kampo Heneral Paciano Rizal – Arestado ang dalawang katao kabilang ang isang high value individual …

Arrest Posas Handcuff

Tinakot pa ng baril
MISTER KALABOSO SA PAG-UMBAG NG LIVE-IN PARTNER

SA KULUNGAN bumagsak ang isang ‘matapang’ na mister matapos dakpin ng pulisya dahil sa reklamong …

Vaccine

Banta ng HPV inaagapan libreng bakuna sa mga bata sa public schools inilunsad

INILUNSAD ng PGB, PHO-PH ang magkasanib na inisyatiba para labanan ang mga banta ng HPV …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *