Monday , December 23 2024

Perderan sa karera iimbestigahan ng PHILRACOM

Kumilos na ang Philippine Racing Commission (Philracom) laban sa mga llamadong kabayo na sadyang ipinatatalo sa laban  matapos tumanggap ng reklamo mula sa ilang karerista.

Sa takot ng komisyon na  mababalewala ang pagsusumikap ng ilang horse owner organizations na mapaganda ang kompetisyon  ng karera sa bansa, babantayan na ang galaw ng mga hinete sa ibabaw ng kabayo upang  mapigilan ang kaliwa’t kanan  na katiwalian sa loob ng karerahan.

Dahil dito, magsasagawa ng imbestigasyon ang Philracom sa ilang kaduda-dudang pagkakatalo ng mga llamadong kabayo sa gitna ng laban sa tatlong karerahan.

Ito ang reaksiyon ng Philracom sa   nakakadismaya at garapalan  na pagpapatalo ng ilang llamadong mananakbong kabayo sa gitna ng laban.

Kabilang ding babantayan ng komisyon ang mga board of stewards  na nagbubulag-bulagan sa mga kaganapan sa  gitna ng laban.

Napansin ang garapan na perderan sa uri ng pagdadala ng hinete na kadalasan ay  umaalis ng bugaw sa umpisa ng karera at dumarating na bugaw pa rin sa pagtawid sa finishing line.

Sinabi ni  Philracom racing director Commissioner Jess  Cantos,  magsasagawa sila ng pagrereview sa lahat ng mga llamadong kabayo na natalo sa mga pinagdududahang sinalihang karera.

Papatawan ng parusa ang mga hinete at kabayong  nasasangkot sa katiwalian o garapalang pagpeperder.

Nagbabala ang komisyon sa mga hinete na nakikipagsabwatan sa mga horse owners na bumababoy ng karera na hindi sila mangingiming ipataw ang mabigat na parusa sa oras na mapatunayan  na sinadyang ipatalo ang sakay nitong kabayo.

Mahigpit din na tinututukan ngayon ng komisyon ang mga hinete  na nagdadala ng mga pabababaing kabayo na may timbang na 52 kilos.

Ni andy yabot

About hataw tabloid

Check Also

Bambol Tolentino

Magsisimula na ang trabaho sa POC sa 2025 – Tolentino

Ang bagong re-elected na presidente na si Abraham “Bambol” Tolentino ay magtatawag ng pagpupulong ng …

Ajido, nagtala ng bagong record sa SEA Age swimming tilt

Ajido, nagtala ng bagong record sa SEA Age swimming tilt

MULING isinalba ni Jamesray Mishael Ajido ang kampanya ng Team Philippines sa nasukbit na gintong …

Philippines A nangibabaw sa pagbabalik ng BIMP-EAGA Games

Philippines A nangibabaw sa pagbabalik ng BIMP-EAGA Games

FINAL Standing             Gold             Silver         Bronze      Total Philippines-A                   30                   37            32              99 Malaysia –  B                   17                   …

Manny Pacquiao Dubai Sports Council

Sa kolaborasyon ng PH at UAE
Pambansang Kamao Manny Pacquiao, Dubai Sports Council nagpulong para sa oportunidad ng sports development 

NAKIPAGPULONG si Pambansang Kamao at dating Senador Manny Pacquiao sa mga opisyal ng Dubai Sports …

Delegasyon ng PAI kakampay sa 46th Southeast Asian Age Group Championship

Delegasyon ng PAI kakampay sa 46th Southeast Asian Age Group Championship

TUMULAK patungong Thaiand ang binuong delegasyon ng Philippine Aquatics, Inc. (PAI) na sasabak sa apat …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *