Friday , May 17 2024

Paano mang-akit papuntang Langit?

00 try me francine prieto

Hi Miss Francine,

Paano ko maaakit ang isang babae para makipag-sex?

Salamat po!

SARJO

Dear Sarjo,

Ang iksi ng email mo’t diretso pa. Para maakit mo ang isang babae na gusto mo para makipag-sex sa’yo ay dapat simulan mo siya sa “date” o kaya naman ay maging magkaibigan kayo pero maaaring may mangyari or in short FUBU “Friends with Benefits”. Pero eto warning hindi mo pwedeng pag-usapan ‘yan sa babaeng gusto mong maka-sex or kaya agad-agad ay kumilos ka na parang manyak ang dating dahil isang pagkakamali mo, wala na sira na ang diskarte mo.

Heto ang 10 steps para maka-sex mo ang babaeng sexually attracted ka:

Step 1:  Hayaan mo siyang makita ang magaganda mong katangian… Kaya dapat talaga magsimula kayo bilang magkaibi-gan.

Step 2: Kelangan niyang malaman na interesado ka sa kanya… Paano? Palagi mo siyang kausapin, palagi kang magpakita sa kanya, samahan mo siya at minsan tingnan mo siya habang nakalingon siya sa iba para pag napatingin siya sa’yo magiging pa-laisipan tuloy sa kanya kung may gusto ka ba sa kanya. O di ba pa-mysterious effect.

Step 3: Huwag mong hahayaang mapunta ka sa “Friendzone”… Ayos lang maging kaibigan pero dapat klaro na may gusto ka sa kanya dahil ayaw mo na-mang maka-sex ang isang kaibigan di ba? Kelangan matuto kang bigyan siya ng “compliment,” sabihin mong ang sexy ng damit niya sa kanya, para magkaroon ng “sexual tension” sa inyong dalawa.

Step 4: Bigyan mo siya ng panahon… Dapat ay magkaroon kayo ng oras na kayong dalawa lang para maging kom-portable siya kasama ka. Kapag kasama ninyo ang mga kaibigan ninyo, “behave normally” pero pag naiwan na lang kayong da-lawa pwede kang humirit ng “haay salamat, masosolo ko na rin ang babaeng sexy na ‘to.”

Step 5: Lumabas ka kasama niya… But wait, huwag kang magseset ng date. Sa pag-uusap ninyo malalaman mo naman ano ang mga lakad niya. Samahan mo siya sa mga kelangan niyang gawin o kaya sabay kayo kumain ng lunch kung magkatrabaho kayo. Di na siya mag-iisip pa na maghanap ng boyfriend kasi nandiyan ka na.

Step 6: The Power of touch… ‘Pag tatawid kayo hawakan mo siya sa braso o sa kamay. ‘Pag may buhok sa mukha niya hawiin mo o kung may dumi alisin mo… Minsan ‘yung mga pasimpleng hawak na ganyan ‘yan ‘yung nakakakoryente.

Step 7: Pakitaan mo siya ng katawan kung may ipagmamalaki ka… Mag-stretching ka ng kamay o kaya naman ipakita mo ‘yung mga pinaghirapan mo sa pagwo-workout pero huwag kang lumingon sa kanya kahit na nagpapalit ka ng shirt na nandyan siya. Hayaan mo siyang tingnan ka niya ng ilang segundo.

Step 8: Manood kayo ng movie… Maaaring sa sinehan o kaya naman sa bahay ninyo or bahay nila… dahil eto ‘yung pagkakataon para magkatabi kayo nang tahimik sa loob ng halos dalawang oras. Pwede mong ilagay ang braso niya sa’yo o pasimpleng pag-akbay sa kanya o pasimpleng paglalaro sa mga paa ninyo.

Step 9: Tandaan kela-ngan maging klaro na may gusto ka sa kanya, huwag kang masyadong pabigla-bigla at pipilitin siyang gawin ang mga ayaw niya dahil mas maganda na yung “slowly but surely.”

Step 10: Kung sakali na hindi siya nagbibigay pa ng senyales na gusto ka niya at saka-sakaling may gawin ka na ayaw niya, humingi ka ng tawad kaagad.

Good Luck Sarjo. Balitaan mo ako kung epektib ang mga payo ko.

                Love,

                Francine

 

***

Try Me! Sa mga problema ninyo sa Love, Pamilya, Sex at Relasyon nandito ako handang magbasa ng inyong pinagdaraanan at sasagutin ko base sa aking sariling opinyon at paniniwala. Nasa sa inyo pa rin kung ano ang susundin ninyo, ako ay option lamang. You can email me

[email protected]

 

About hataw tabloid

Check Also

SM Trabaho para sa Bayan JOBS 1

SM leads job creation with ‘Trabaho para sa Bayan: Job Opportunities Building Skills (J.O.B.S.)’

The quest for an empowered Filipino workforce accelerated as SM Supermalls, the Private Sector Advisory …

SB19 Puregold

Berde at Gento: Kasama na ang SB19 sa bigating OPM lineup ng Puregold

OPISYAL na kinompirma ng Puregold ang kolaborasyon nila sa Pinoy boy band na SB19 at talaga namang kinasabikan ito …

584 Bulakenyo nakinabang sa medical-dental mission  ng SM Foundation

584 Bulakenyo nakinabang sa medical-dental mission  ng SM Foundation

HINDI bababa sa 584 Bulakenyo ang nakinabang sa medical at dental mission na pinangunahan ng …

Kultura Feat Filipino Design Studio

The Filipino Design Studio: Proudly Made in the Philippines

Back and bigger than ever! Returning this May 2 to 9 at Mega Fashion Hall, …

Krystall Herbal Oil

Bitak-bitak na sakong dulot ng diabetes pinaghilom ng Krystall Herbal Oil

Back to BasicNATURE’S HEALINGni Fely Guy Ong Dear Sis Fely Guy Ong,                Ako po …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *