Kakaibang pag-iibigan ilalahad nina Apphle Celso, Rinoa Halili, Aeril Carmelo, at Marco Mara 

Apphle Celso Rinoa Halili

RATED R
ni Rommel Gonzales

KUWENTO ng pag-ibig na naging komplikado dahil sa mga lihim na pagnanasa at pag-asam sa ibang tao. Kakaibang pag-iibigan ang mapapanood sa Laplap, streaming na sa VMX.

Pelikula ni Dado Lumibao na pagbibidahan nina Apphle Celso, Rinoa Halili, Aerol Carmelo, at Marco Mara. 

Kuwento ito ng mag-best friend na sina Rosie at Magnolia at ng kanilang mga lihim na nararamdaman. May lihim na pagkahumaling si Magnolia sa boyfriend ni Rosie na si Joel, habang si Rosie naman ay isang closeted lesbian na may matinding nararamdaman para kay Magnolia.

Para mapagbigyan ang kanilang mga natatagong pagkasabik sa isa’t isa, magkakaroon ng mapusok na tagpo sina Rosie, Magnolia, at Joel, na hahantong sa isang threesome. Ngunit may kapalit pala ang inaakala nilang masarap na pagkakataon. 

Matapos may mamagitan sa kanilang tatlo, isa-isang mabubunyag ang kanilang mga sikreto at malalantad ang mga itinatago nilang nararamdaman, pati na ang mga pagtataksil sa isa’t isa. Lalo pang magiging komplikado ang kanilang sitwasyon dahil madadamay din ang boyfriend ni Magnolia na si Michael.

Panoorin kung paano malalampasan nina Rosie at Magnolia ang gusot na kanilang pinasok dahil sa kanilang mapaglaro at mapusok na mga nararamdaman. I-stream na sa VMX.