RATED R
ni Rommel Gonzales
SOBRANG happy ni Caprice Cayetano dahil nagwagi siya bilang Breakthrough Artist sa kakatapos lamang na LionhearTV RAWR Awards 2026.
Honored ang Sparkle GMA Artist Center young actress dahil sa kabila ng maraming baguhang artista ay siya ang napili ng LionhearTV at ng mga bumoto para sa parangal.
Bukod dito, very happy din ni Caprice na mapasama sa isang pelikula na entry sa 52nd Metro Manila Film Festival, ang Amir na pinagbibidahan nina Dennis Trillo at Argus Aspiras.
Ayon kay Caprice, marami siyang eksena with Dennis at sobrang ikinararangal niya na makatrabaho ang mahusay na aktor.
Alam din ni Caprice na mahusay ang kanilang direktor na si Zig Dulay na siya ring direktor ng multi-awarded film na Green Bones na umani ng papuri at parangal two years ago sa 50th MMFF kaya labis din ang saya ng aktres na maidirehe ng premyadong direktor, lalo pa nga at first MMFF film entry din niya ang Amir.
Kaya excited na si Caprice na sumakay ng float sa Parada ng mga Bituin sa December filmfest.
