MATABIL
ni John Fontanilla
NAPAKABONGGA ng tambalan nina Wilbert Ross at Bea Binene (WilBea) dahil umabot na sa P120-M and still counting ang kita ng pelikulang Pee Mak na kanilang pinagbibidahan.
Nasa ikalimang linggo na ito sa mga sinehan at patuloy pa ring dumaragsa ang mga taong nagkaka-interes na mapanood ang pelikula.
Mas ‘di hamak na mas malakas pa ito hanggang ngayon kompara sa isang kalalabas pa lang na pelikula na pinagbibidahan ng dalawang sikat na artista na walang masyadong nanonood.
Isa nga ang pelikula nila Bea at Wilbert sa may pinakamataas na kita sa takilya ngayong taon.
Wish ng mga faney ng dalawa na sana ay masundan pa ng isang pelikula na sila pa rin ang bida.
