Bagyo Habagat PAGASA

NASA loob na ng Philippine Area of Responsibility (PAR) ang severe tropical storm na si Samuel, unang tinawag na Cempaka sa labas ng bansa, ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical, and Astronomical Services Administration (PAGASA).

Huling namataan si Samuel dakong 3:00 ng hapon sa layong 1,620 kilometro silangan ng Northern Luzon habang patuloy na kumikilos sa karagatan.

Iniulat ng PAGASA, lumakas si Cempaka at naging ganap na bagyo bago pumasok sa PAR. Gayunman, nananatiling malayo sa patag at hindi inaasahang direktang makaaapekto sa lagay ng panahon at karagatan sa bansa.

Sa kabila nito, magdudulot pa rin ang umiiral na amihan ng katamtaman hanggang maalon na karagatan sa mga baybayin ng Northern at Central Luzon sa susunod na 24 oras.

Inaasahang lalabas ng PAR si Samuel sa Martes ng umaga o hapon, ayon sa PAGASA.