Xian may panawagan kay Alden P3-M hospital bill pinababayaran

Xian Gaza kay Alden Richards

MA at PA
ni Rommel Placente

MAY panawagan si Xian Gaza kay Alden Richards na bayaran ang naiwang balanse sa ospital ng yumaong komedyanteng si Ate Gay.

Umabot kasi sa P3-M ang hospital bill ni Ate Gay na nakipaglaban sa sakit na cancer hanggang sa tuluyan itong pumanaw noong Linggo, November 1.

Sa kanyang Facebook post, nagpaabot si Xian ng pakikiramay sa pamilya ni Ate Gay kasunod ang panawagang sana ay matulungan ni Alden ang naiwang pamilya ng komedyante.

“May his soul rest in peace. Nananawagan po kami kay Mr. Alden Richards na bayaran yung 3 million pesos na hospital bill ni Ate Gay kasi hindi malaman ng kanyang pamilya kung saan kukuha ng pambayad,” saad ni Xian.

“Alang-alang sa pinagsamahan. Alam ko na mayaman at may mabuting puso si Alden,” dagdag pa ni Xian.

Sa ngayon ay wala pa namang reaksiyon o inilalabas na pahayag si Alden sa panawagan sa kanya ni Xian.