Direk Nijel papasukin na rin recording

Nijel de Mesa

HARD TALK
ni Pilar Mateo

HE was wearing his signature eye blacks nang una kong nakita si Direk Njel de Mesa (may i na ngayon kaya Nijel na!). Weird. 

Presscon ng pelikula niyang KontrAdiksyon.

Lumaon nawala sa mukha.

Sumunod na ay noong madalas na namin siyang makadaupang-palad sa MTRCB nang maging Vice-Chairman ng Chairman nito na si Lala Sotto.

Dumalas na mga tsikahan. Nauwi sa pagkakaibigan.

Nang matigil sa mainstream, aba! Hindi naman pala ito umi-skip sa paggawa ng pelikula. Naiba lang ang mga paraan. 

Feathers in his cap ang pagiging Best International Film Director sa Jinseo Arigato International Film Festival. MTRCB. BELL  Films and Universal Records. Aliw Awards. FILSCAP. PAGCOR. Palanca. Dula. Ano pa ba ang hindi nito ginagawa. Nagpa-publish din siya ng mga aklat. At mayroon ding Koiné Theater Foundation, ang  foundation that grants free performing arts classes sa mga poor underprivileged street children.

At ngayon focused na sa kanyang NDM Studios. Na may mga itinalaga na palang  tanggapan sa sari-saring bahagi ng Asya  (Japan, Taiwan, Hongkong, Singapore) at Australia. 

Dahil doon mapapanood ang lahat ng mga pelikulang ginugulan niya ng panahon, dugo, pawis, luha.

At oo! Nabanggit natin ang Universal Records. Ngayon binubuhay nito ang kanyang pagiging recording artist at ang mga dekada nang natulog sa baul na mga piyesa ay muling inihahain sa pamamagitan ng pagpaplano maglabas ng physical album. Plaka!

Labindalawa lahat ‘yung kanta niya. Pito muna ang naiparinig sa amin. Para makatulong na piliin kung alin sa mga ito ang magandang opening salvo kumbaga sa unang kantang gagawan ng music video.

May rap. Mapapa-indak ka sa ilan. May love songs. 

Apat ang napili ko. Binuksan niya ang pamimili sa kanyang socmed accounts. 

Ito ang 2 Minutes, Money Magnet, Whatever, Less Than Lovers, How is it Always, Do Not Disturb, at I Do.

Napili ko ang Money Magnet (positivity), Less Than Lovers  (relasyong patungo sa kung saan), Do Not Disturb (ikot ng buhay), at I Do (hopeless romantics).

Ang Less Than Lovers at I Do ang so far na marami ang boto. Para unang magawan ng video at marinig na sa music platforms soon.

At dahil nga umiikot siya sa sangkaterbang bansa para mag-shoot, mag-market, magturo, ayaw din nitong matulog ang mga magagawa pa niya sa Pilipinas.

Restaurant. ‘Yung aandar habang wala sila ng partner na si Ms. Jan.

Direkuramen sa Sct. Lazcano na lilipat na sa mas malaking lugar. Ramen. Gyoza. Narinig ko nga mayroon pang Spanish Restaurant.

Wanting to prove something?

Oo naman. But more than that, ‘yung makagawa ng mga pelikulang marami ang matutulungan, maa-appreciate at kikilalanin kahit saang parte ng mundo.

Kaya subscribe na sa kanyang NDM+ (Plus) platform, a worldwide streaming web app na nagpapamalas ng NDM Original award-winning and genre films.