Janah Zaplan, thankful sa mga dumarating na project as a singer

Janah Zaplan

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

BATA pa lang ay dream na talaga ni Janah Zaplan ang maging piloto. Kaya naman kahit mahirap, hindi niya pinabayaan ang pag-aaral kahit na noon ay nagsisimula na ang kanyang singing at acting career.

Dahil sa sipag at tiyaga, nagtapos bilang Cum Laude si Janah sa Air Link International Aviation College ng kursong Bachelor of Science in Aviation, major in Flying.

Ano ang priority niya ngayon, singing o ang pagiging pilot?

Sagot ng beauty and brains na singing pilot, “Well, kung what is given po for me now, iyon po ang kuku(ha)nin ko. But at the moment, I’m still honing my skills po as a pilot. Because there are a lot of things to learn pa talaga. Even after you’re done, it’s like becoming a doctor, you learn and learn, you continue to learn everyday.  

“It’s more than just becoming a good pilot, it’s knowing your social responsibility as a person. 

“So for now, I feel like I’m leaning towards that part of my life, iyong pagiging piloto po.

“But I’m also happy, kasi at least kahit paano, even if I’m doing this, there are also opportunities coming in for me sa singing career ko rin po,” nakangiting pahabol pa ng talented na si Janah.

Si Janah ay under ng Star Pop record label na subsidiary ng Star Music. May aabangang tatlong revival songs sa singer. Ang tatlo ay “Kinikilig” ng Bini, “Cool Off” ni Yeng Constantino, at “Sukob Na” ni Ice Seguerra.

Esplika niya, “It’s not yet out, ano pa lang po… in the process pa lang po… Hindi pa po namin alam actually kung ano iyong next step, pero na-record ko na po iyong tatlong songs.”

Pero, ano ang latest song niya? “Iyong na-release pong new single ko, ini-release last June this year po. That was recorded two years ago, iyong song ay “Love and Celebrate”.

“It’s just really about spreading love and positivity and inclusivity to everybody. I want them to, you know, feel the love and energy that you all can get for the day.”

                Love song ba iyan? Inspirational?

Tugon niya, “No po, it’s more of a hype song… you can say na inspirational, more of an everyday anthem for you to have a very good vibe, everyday.”