Party Magic humingi ng dispensa kina Jen, Dennis 

Dennis Trillo Jennyln Mercado Party Magic

MA at PA
ni Rommel Placente

NAG-REACT at hindi ikinatuwa ni Dennis Trillo ang paggamit ng isang party supplier sa replica ng tabloid na nagtampok sa masakit na nakaraan ng kanyang misis na si Jennyln Mercado.

Sa kanyang Facebook post noong Huwebes, November 5, 2026, tahasang pinuna ng aktor  ang supplier dahil ginawa nitong bahagi ng dekorasyon sa isang ’90s-themed set-up para sa children’s party ang kopya ng lumang tabloid front page.

Lumalabas na ang mismong party supplier ang nag-post sa social media.

Ayon sa aktor, nang makita niya ito ay sinubukan niyang tawagan ang supplier para makapag-usap sila ng pribado, ngunit hindi umano ito sumagot.

“Hindi ko lang mapigilang mag-react dito, tutal ayaw niyo sumagot sa tawag ko…sige dito tayo mag-usap,” panimula ni Dennis sa kanyang post, kalakip ang screenshot ng video reel na makikita ang larawan ng batang Jennylyn.

Direkta rin niyang kinuwestiyon kung bakit piniling gamitin ang tabloid clipping na naglalaman ng ulat tungkol sa karahasan, eh, pambatang selebrasyon ang event na kanilang pinaghandaan.

Ang bata kasing tinutukoy sa lumang balita ay walang iba kundi ang kanyang misis na si Jennylyn, na noo’y nabalitang nasagip mula sa pambubugbog ng kanyang stepfather.

Ani Dennis, “Party Magic, bakit niyo naman napiling gamitin ito mismong kopya ng tabloid na ito? Sa theme ng children’s party pa ha? Paki-paliwanag please…

“Sa mga hindi nakakaalam, yung naka-headline na batang binugbog ay yung asawa ko. Tama ba naman na yun pa ang ilagagn ninyo?”

Alas-otso ng umaga ng November 5 nag-call out si Dennis, at pasado 5:00 p.m. ng November 6 naglabas ng opisyal na pahayag ang Party Magic upang humingi ng paumanhin kina Jennylyn at Dennis.

Sa pahayag na naka-upload sa Facebook Story, ipinaliwanag ng Party Magic na hindi sinasadyang naisama ang lumang diyaryo sa mga vintage newspaper materials na ginamit bilang dekorasyon.

Saad nito (published as it is): “We would like to sincerely apologize to Ms. Jennylyn Mercado, Mr. Dennis Trillo, and their family for the inclusion of a newspaper clipping containing a sensitive story in one of our recent events.

“The clipping was unintentionally included among vintage newspaper materials used as decorative props.

“We recognize that regardless of the circumstances, such a painful and personal story should never have been used in a celebratory setting.”

Nilinaw din ng Party Magic na hindi nila layuning puntiryahin, kutyain, o bastusin si Jennylyn at ang pamilya nito sa pamamagitan ng pagpapaalala sa masalimuot na nakaraan ng Kapuso actress.

“We did not in any way intend to hurt anyone in the process. We take full responsibility for this oversight and deeply regret the hurt and distress it has caused.

“We also wish to respectfully clarify that there was never any intention to target, ridicule, or disrespect Ms. Mercado or her family.

“Its inclusion was not a personal statement or reference to anyone’s private circumstances.


“Party Magic has always been dedicated to creating meaningful celebrations for children and families.

“We unequivocally condemn all forms of child abuse, and we would never knowingly promote, glorify, or trivialize such suffering.

“We are reviewing and strengthening our internal processes to ensure that all creative materials are screened with greater care and sensitivity.”


Sa huli, inamin ng Party Magic na hindi mababawi ng paghingi nila ng tawad ang sakit na naidulot ng insidente, ngunit tiniyak nitong taos-puso ang kanilang paghingi ng paumanhin kina Jennylyn, Dennis, at sa kanilang pamilya.

“We understand that an apology cannot undo the hurt this incident has caused.

“Nevertheless, we offer ours with genuine remorse, humility, and respect. To Ms. Mercado, Mr. Trillo, and their family, we are deeply sorry.”