I-FLEX
ni Jun Nardo
MATAPOS ang apat na taon, magkasamang muli sina Baron Geisler at child star na si Althea Ruedas sa Viva movie na Henyo.
Unang nagsama sina Baron at Althea sa pelikulang Doll House.
Nagbabalik-movie rin si Baron at nakapagsimula nang mag-shoot. Isa sa makakasama nila sa project ay si Nova Villa.
Mula sa panulat ni Mel Mendoza del Rosario ang Henyo at idinirehe ni Joey Aquino.
