CEO ng Connie’s Skincare Essential & Beauty pang- MMK ang istorya ng buhay

Connie Garelacan Connies Skincare Essentials and Beauty

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez

PANG-MMK ang istorya ng buhay ng CEO/ President/ Founder ng Connie’s Skincare Essentials & Beauty na si Ms Connie Garelacan dahil marami muna itong naging pagsubok sa buhay o pinagdaanan bago naabot ang estado niya sa buhay ngayon.

Naibahagi ni Ms Connie ang istorya ng kanyang buhay tulad ng matagal munang naging helper sa Hong Kong bago napunta sa US at nakapangasawa ng Amerikano hanggang sa pagiging CEO ng isang skincare.

Ang nakatutuwa kay Ms Connie, hindi niya ikinahihiva kundi proud pa sa pagbabahagi ng mga pinagdaanan sa buhay bago siya nakapagtayo ng sariling negosyo.

Dahil nga sa sipag at tiyaga, nakarating si Ms.

Connie sa USA para roon naman magsimula rin ng pagiging housekeeper hanggang na-promote sa pagiging state manager.

Aniya, pinagkakatiwalaan siya ngayon ng mga malalaking tao sa Amerika. Bagamat hindi niya tinukoy ang pagkakakilanlan ng mga ito.

Bagamat maganda na ang buhay sa Amerika, naisip pa rin niyang magtayo ng skin care business dahil gusto nivang makatulong samga kababayan nating gusto ring kumita at umangat sa bahay.

Kaya nang simulan niya ang Connie’s Skincare Essentials & Beauty ay nagbukas siya sa mga gustong maging resellers at distributors.

Ani Ms Connie sa paglulunsad ng kanyang produkto, December, 2025 lang niya sinimulan ang kanyang negosyo kaya sa ngayon, wala pa siyang brand ambassador. Pero dahil sa pagba-vlog sa kanyang negosyo at sa tulong ng mga reseller, marami na ring nakakakilala ngayon sa kanyang skin care brand.

Ipinagmamalaki ni Ms Connie na organic ang kanyang mga produkto at FDA approved.

“Our product is organic, the formulation is amazing and talagang pinaghandaan ko ito at ito ang mga produktong ginagamit ko, skin care ko,” buong pagmamalaki ni Ms Connie sa kanyang produkto.

May paalala pa si Ms Connie na, “Kapag tumatanda tayo kailangan nating alagaan ang ating skin care. Kaya tamang-tama ang produkto ko.”

Ang mga prodkto ng Connie’s Skincare Essentials & Beauty ay lotion, soap, serum, at glass-skin sets. Nag-o-offer din sila ng deep hydration lines.

Wala pang nakukuhang brand ambassador si Ms.

Connie pero umaasa siyang isang araw makukuha niya ang tulad ni Miss Universe Pia Wurtzbach dahil gandang-ganda siya sa beauty queen.

Gusto niyang ipa-try kay Pia ang bestseller niyang lotion, soap, sunscreen, BB cream, serum at rejuvenating set lalo’t mahilig mag-beach ang Miss Universe kaya laging exposed sa araw ang balat.

Hangad namin na lalo pang umunlad ang negosyo ni Ms Connie na talaga namang naka-i-inspire ang kuwento ng buhay at marami ang tiyak na matutulungan na mabigyan pa niya ng trabaho.