Arnell gusto pa ring sumabak sa politika 

Arnell Ignacio

MA at PA
ni Rommel Placente

Game na game pa rin ang komedyanteng si Arnell Ignacio na ipagpatuloy ang pagseserbisyo-publiko sakaling alukin uli siya ng posisyon sa gobyerno.

Sa panayam ng Kalurks sa dating OWWA administrator, natanong siya kung may balak pa ang bumalik sa public service.

“They want me back, I would not even think twice,” ang sagot ni Arnell.

“Kasi ang tagal kong nagtrabaho sa entertainment and I was so blessed with the generosity of the industry.

“Kaya lang noong napunta ako sa public service parang alam mo ‘yung dalawang bagay na pinaka-importante sa buhay mo – the day that you were born and the day that you will find out why.

“Noon kasing nasa television ako, pakialamera ako sa buhay ng mga audience. 

“Parang gustong-gusto kong pinoproblema at nakikialam sa buhay tapos kagagalitan ko.

“And then, I found a niche rin sa buhay ko which created a better version of Arnell, noong kagaya with the OFWs…and nabigyan ako ng rare chance to be provided with all the resources to listen, to address their needs,” sabi pa niya. 

“Napakagandang karanasan, kaya I will not even think twice,” sabi pa ni Arnell.

Sa tanong kung ano ang napi-feel niya ngayon kapag napag-uusapan ang pagpasok niya noon sa politika, “Actually ‘yon ang nakalimutan ko na politika pala ‘yon. I just turned into a worker.

“Ang tagal ko na kasi roon so I just keep on working. Those people who worked with me alam nila na ‘yon ang work ethics ko, I just keep on working,” aniya pa.