TAMPOK ang tatlong personalidad mula sa magkakaibang larangan ng sports sa lingguhang TOPS Usapang Sports Forum ngayong Huwebes, Nobyembre 5, sa Philippine Sports Commission (PSC) Media Room sa Rizal Memorial Sports Complex, Maynila.
Pangungunahan ni ultramarathon standout Kristine Dureco-Bugna ang mga panauhin matapos ang kanyang runner-up finish at pagtatala ng bagong national record sa 24H Bangkok International Championships sa Thailand.
Sasalang din si PNP National Headquarters Jiu-Jitsu Team head coach Jonz Sandoval upang talakayin ang planong pagtatatag ng jiu-jitsu program sa iba’t ibang ahensiya ng law enforcement sa bansa, katuwang ang mga eksperto sa Brazilian jiu-jitsu.
Samantala, ibabahagi ni Coach Arra Corpuz ang mga bagong kaganapan sa Wushu Arena Philippines, kabilang ang magandang resulta sa International Traditional Wushu Championship at ang pagkakahirang sa kanya bilang Youth Leader of the Year ng Asia CEO Awards.
Magsisimula ang programa alas-10:30 ng umaga at suportado ng PSC, Pocari Sweat at Behrouz Persian Cuisine.
Ayon kay TOPS president Nympha Miano-Ang ng Bulgar, mapapanood ang livestream sa TOPS Sports, Bulgar Sports, Sportstek.ph at Sports Corner PH Facebook pages.
Mayroon ding piling ulat mula sa forum na mapapanood sa PTV Sports tuwing alas-8 ng umaga sa PTV. (HNT)
