DAKAR – Ibinuhos ni Angel Polo ang buong husay sa Taijiquan ngunit kinapos pa rin upang makasungkit ng medalya makaraang matapos sa ikalimang puwesto sa women’s Taijiquan combined ng wushu sa 4th Youth Olympic Games (YOG) sa Dakar Exhibition Center sa Diamniadio.
Nakakuha si Polo ng 9.250 puntos sa Taijiquan upang makapagtala ng kabuuang 18.276 puntos sa kanyang kampanya para sa Team Philippines na suportado ng Philippine Sports Commission (PSC).
Nabawasan ng 0.20 puntos ang kanyang marka sa Taijishan matapos mawalan ng balanse at sumayad sa sahig.
Nagpakita naman ng kahanga-hangang consistency ang world champion na si Ng Zhe Nin ng Singapore upang masungkit ang gintong medalya sa pinagsamang iskor na 18.713 puntos mula sa 9.353 sa Taijishan at 9.360 sa Taijiquan.
Nakuha ni Zhuo Mia Arelja Xianglin ng Germany ang bronze medal sa 18.482 puntos, habang pumangalawa si Chu Yu En ng Chinese Taipei sa 18.499 puntos.
Nasa ikaapat na puwesto si Gulirano Kholmuminova ng Uzbekistan (18.360), habang ikaanim si Miranda Wei ng Canada (18.146). (POC Media Pool/HNT)
