MATABIL
ni John Fontanilla
NAGBAKASYON ang Asia’s Multi Media Star na si Alden Richards pagkatapos ng mga event at proyektong ginawa para makapag-recharge sa isang eksklusibong luxury resort na Amanpulo.
Mag-isang nag bakasyon si Alden sa Amanpulo na isa sa pinakamahal na resort sa buong mundo. Base sa presyong nakalista online, nagsisimula sa humigit-kumulang US$1,750 (katumbas ng halos ₱100,000) kada gabi ang presyo ng mga kuwarto, hindi pa kasama ang mga buwis at iba pang bayarin. Nakadepende rin ang presyo sa uri ng matutuluyan at petsa ng biyahe na kering-keri naman ni Alden.
Ayon nga sa mga netizen deserved naman ni Alden ang magbakasyon sa Amanpulo sa sobrang sipag at sa dami ng trabaho na ginagawa nito.
