Ajido, Coleman nanguna sa Team PH sa YOG opening rites

Team PH Dakar YOG opening rites

UMAASA si Philippine Olympic Committee (POC) president Abraham “Bambol” Tolentino na magbubunga ang puspusang paghahanda ng mga atletang Pinoy sa kanilang kampanya sa 4th Youth Olympic Games (YOG).

Patuloy na nakaalalay at sumusubaybay sa delegasyon sina POC secretary-general Atty. Wharton Chan at chef de mission Rocky Samson upang matiyak ang maayos na kampanya ng Team Philippines.

Samantala, makulay na sinalubong ang pagbubukas ng YOG nitong Sabado ng gabi sa 55,000-capacity Abdoulaye Wade Stadium sa Diamniadio, tampok ang daan-daang mananayaw na nagpakitang-gilas sa pagtatanghal ng kultura at tradisyon ng Senegal at iba pang bansa sa Africa.

Pinangunahan nina International Olympic Committee president Kirsty Coventry at Senegal President Bassirou Diomaye Faye ang pormal na pagbubukas ng palaro.