ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio
PARA sa mga henerasyon ng mga Filipino, ginawang nakatatakot ng Shake, Rattle & Roll maging ang mga pinakapangkaraniwang lugar at nag-iwan ng mga kuwentong katatakutan na naging bahagi na ng mga alaala ng kabataan at pop culture ng Filipinas.
Paglipas ng mahigit apat na dekada, nakahanap ng bagong tahanan ang mga pamilyar na katatakutan, hatid ng Regal Entertainment at BingoPlus ang klasikong horror franchise sa interactive digital gaming.
Ang pagsasanib-puwersang ito ay naghatid ng Regal’s legacy sa Filipino filmmaking at BingoPlus’ digital entertainment platform, na nagpakilala sa limang orihinal na games na naging inspirasyon ng mga sikat na franchise: Manananggal, Reyna Ahas, Triple Terror, LRT Monster, at Aswang.
Unang ipinalabas noong 1984, ang Shake, Rattle & Roll na gumugol ng mga dekada sa pag-aliw at pananakot sa mga Pinoy na manonood sa pamamagitan ng mga kuwentong inspirasyon ng lokal na alamat, mitolohiyang Filipino, at ‘di-malilimutang mga kathang-isip na karakter.
Ang mga pamilyar na halimaw na ito ay nanatiling bahagi ng mga usapan kahit matagal nang nakaalis ang mga manonood sa sinehan.
Para sa Regal Entertainment, ang pagdadala ng prangkisa sa mundo ng gaming ay isang pagkakataon upang ipakilala ang mga kuwento sa panibagong henerasyon, nang hindi nawawala ang kanilang tatak bilang Pinoy.
Sa ginanap na launching ng Shake Rattle Roll x BingoPlus, muling binalikan ang mga eksenang tumatak sa kamalayan ng mga Pinoy, kabilang ang mga hindi malilimutang kontribusyon nina Janice de Belen, JC de Vera, at John Lapus sa nasabing horror franchise.
Present din dito ang mag-inang Roselle Monteverde at Keith Monteverde.
“For more than four decades, Shake, Rattle & Roll has remained part of Philippine popular culture through stories that are distinctly Filipino,” pahayag ni Ms. Monteverde, President ng Regal Entertainment.
Aniya pa, “Our collaboration with DigiPlus opens a new chapter for the franchise, bringing its creative legacy into digital entertainment while preserving the storytelling and cultural identity that have made it enduring.”
Sabi naman ni DigiPlus Chairman Eusebio Tanco, “Our goal is to give our players premium entertainment. This partnership is also an example of how we work: we put our customers first. We listen to what our players enjoy, and we keep working to give them something fresh, engaging, and made for them. The Shake, Rattle & Roll games are part of that commitment.”
He added, “Our goal is to give our players premium entertainment. That means high-quality games, thoughtful design, and worthy experiences. Partnering with Regal, one of the country’s most respected names in storytelling, helps us deliver that.”
Available na ang limang Shake Rattle Roll — inspired games sa BingoPlus noong October 22 at plano itong i-rollout sa iba pang DigiPlus digital entertainment platforms na ArenaPlus at GameZone.
Ang BingoPlus ang nangunguna at ang most comprehensive digital entertainment platform sa bansa. Ito ay nag-redefine ng digital gaming sa Filipinas.
Inilunsad noong January 2022, ito ay nagpakilala sa first-ever interactive, live-streaming digital bingo platform.
Ang BingoPlus ay affiliate ng DigiPlus Interactive Corp., at advocate ng responsible gaming. Ang BingoPlus ay lisensiyado ng PAGCOR.
For more information, visit www.bingoplus.com
