HARD TALK
ni Pilar Mateo
BUHAY na naman ngang talaga ang teatro.
Bukod sa mga iilang hindi tumitigil at hindi rin naman natitinag na mga palabas sa entablado na gaya ng ginagawa ng Philstagers nina Atty. Vince Tańada, unti-unting pumapailanlang ang mga entabladista ng teatro.
Si Direk Chaps Manansala ay masasabing sanay na rin pagdating sa paggawa ng mga panoorin sa entablado.
Kamakailan, ipinatikim niya sa amin ang kahulugan ng kanyang Sina-Dasal na tampok sina BJ “Tolits” Forbes at Paul Jake Paule.
Madilim na landas ang dinaanan ni direk Chaps. Depresyon. Tinangkang takasan ang mundo.
Nakakita ng siwang para maiwasan at labanan ang pinagdaraanan.
Pagsusulat. Ng mga dula.
At ngayong dumadaloy na ang pagsasadula ng Sina-Dasal, nabubusog ang puso ni direk Chaps sa mga komento ng mga nakapanood nito.
“Receiving posts na gaya nito from an esteemed school principal gaya ni Ma’am Marilen Calma inspires me even more to continue producing meaningful plays and creating opportunities for others through theater.
“Sa kabila ng setbacks, challenges, at struggles along the way, ang mga mensaheng gaya nito reminds me why I keep doing what I do. They remind me that our work goes beyond the stage—it touches lives, inspires people, and makes a difference.
“As long as there are people who believe in the power of theater, I will continue to create, produce, and share stories that matter.
“The journey may not always be easy, but knowing that we make a difference makes everything worthwhile.”
Maka-antig damdamin ang Sina-Dasal.
Sa isang araw, apat na palabas ang nagbibigay-saya sa mga manonood. Gaya nang dalhin nila sa Pampanga.
“Four successful shows and our hearts are overflowing with gratitude. Malaking pasasalamat sa warm reception, the overwhelming support, and, most especially, for muling pagtitiwala sa HIRAYA Theater Production.
“Every performance is a reminder of wh”y we continue to do what we do. Your trust inspires us to create meaningful theater that touches lives, awakens faith, and gives hope.
“From the bottom of our hearts, maraming-maraming salamat po! This is more than just a successful show—it’s a blessing and a testament to the power of theater.”
Ang Sina-Dasal ay isang panalangin, isang pag-asa at isang kuwentong patuloy na aantig sa puso ng bawat isa.
Samantala, ipinagpapatuloy naman ni Direk Chaps ang porgramang pinagsamahan nila ng yumaong Jobert Sucaldito, kasama na sina Morly Alinio at Arnel Ignacio, ang OOTD.
Patuloy pa rin ang laban ni Direk Chaps. At para makahinga-hinga lumalabas lang siya sandali ng bansa.
