Maricel Soriano Maris Racal

MA at PA
ni Rommel Placente

TIE sina Maricel Soriano at Maris Racal bilang Best Actress sa nagdaang Gawad Dangal Filipino Awards na ginanap noong Sabado ng gabi. Nanalo si Maricel para sa pelikulang Meet, Greet & Bye, samantalang si Maris naman ay para sa indie film na Sunshine.

Sa katatapos na 42nd PMPC Star Awards For  Movies na ginanap noong Linggo ng gabi, October 25, sa Winford Resort and Casino Manila, ay sina Maricel at Maris din ang parehong itinanghal na Movie Actress of the year.

O ‘di ba, sa magkasunod na award night ay pareho silang wagi.

Pero kung sa Gawad Dangal ay no show sina Maricel at Maris, sa Star Awards For Movies ay pareho silang present. Kaya personal nilang natanggap ang kanilang award.

Sa acceptance speech ni Maricel, una niyang pinasalamatan ang nasa Itaas sa panibagong blessing na ibinigay sa kanya.

Pinasalamatan din ng Diamond Star ang apat na gumanap na anak niya sa  Meet, Greet & Bye na sina Piolo Pascual, Belle Mariano, Juan Carlos, at Joshua Garcia.

Hndi rin nakalimutang pasalamatan ni Maricel ang kanyang mga faney lalo na ang fan club niya na Forever Friends of Maricel..

To Maricel, our congratulations.