Sheryn Regis tumaas pa timbre ng boses matapos maoperahan

Sheryn Regis

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez

LALO pang tumaas ang key o boses. Ito ang napansin ni Sheryn Regis matapos siyang maoperahan dahil na-diagnose siyang may thyroid cancer.

Ayon sa tinaguriang “Crystal Voice of Asia,” ganoon na lamang ang takot niya nang malamang may thyroid cancer at kailangang maoperahan.

“Akala ko talaga that time katapusan ko na as an artist. Kaya lang inisip ko, ‘Paano na ako? Ano gagawin ko?’ So, talagang nag-rely lang ako kay God, sa faith ko,” pagbabahagi ng magaling na singer pagkatapos siyang ipakilala bilang brand ambassador ng Platinum Karaoke na ginanap noong Sabado ng hapon sa Market-Market, Activity Center.

Nagkaroon ng mini-concert si Sheryn nang ipakilala siya ng Platinum Karaoke bilang brand ambassador kasabay ng pag-i-introduce ng Platinum Karaoke Alpha 2 na nagdadala sa  karaoke sa whole new level, na ang bawat pagtatanghal ay parang isang konsiyerto!

“After talaga ng surgery na iyan, I thought I cannot sing anymore. I thought magbabago ang boses ko. But God is good all the time kasi…I just wish na dati before I said na, ‘Lord magpa-surgery ako, Ikaw na po ang bahala thy will be done’ at ibinigay niya uli sa akin ang boses ko. ” pagbabahagi pa ni Sheryn.

Sinabi ni Sheryn na ang kanyang pananampalataya ang tumulong sa kanyang harapin ang kawalan ng katiyakan at mahanap ang lakas ng loob para magpatuloy.

Sa pagbabahagi pa ni Sheryn matapos siyang maoperahan, “After surgery, actually sabi ng doctor ko six (6) months hindi ako pwede kumanta. I have to rest, pero matigas ang ulo ko, it’s just like muscle na kapag hindi mo iginalaw iyan magiging mabigat, kaya hindi ko in-stop.

“After three weeks ng aking surgery, kumanta na ako. Kasi naka-sign na ako ng contract, hindi ko alam na maooperahan pala ako. So kailangan kong gawin iyon, hindi ko lang sinabi na naoperahan ako.

 “And I said itong performance kong ito para sa iyo Lord. Kasi ang kinantahan ko is for Santo Nino. Isang concert talaga ang ginawa ko. And after that, nag-tour ako ng Australia. 

“Bumalik pa rin ang boses ko. After a day or two parang naging manipis ang boses ko, walang base, and during the concert original key pa at nag-vocalize lang ako. At ‘yung faith ko talaga ang pinanghawakan ko,” kuwento pa ni Sheryn.

At dahil na rin sa lakas ng kanyang pananampalataya at lakas ng loob, muli siyang nakakanta. At hindi basta-basta kanta, pakiramdam niya’y tumaas pa ang key o boses niya.

“Parang na-fine tune,” natatawang sinabi ng singer.

“Nagulat nga ‘yung doktor noong sinabi ko (kumanta),” natatawa pang kuwento ni Sheryn.

Aminado naman si Sheryn na  noong una ay natakot siyang baka makapinsala ang operasyon sa kanyang mga vocal cord at makaapekto sa kanyang kakayahang kumanta. Sa halip, labis siyang natuwa sa naging resulta.

“Siyempre may takot ako noon kasi nga baka ma-damage ‘yung voice ko pero ang totoo, nagulat ako dahil parang tumaas pa lalo siya, ‘yung range ko!” wika pa nito.

Naniniwala si Sheryn na ang kanyang paggaling at panibagong tiwala sa sarili ay mula sa kanyang pananampalataya, na aniya’y nakatulong para malampasan ang takot na dulot ng kanyang pakikipaglaban sa sakit.

“Iba talaga kapag may faith ka, kahit anong takot o sagabal kaya mo lagpasan,” giit pa ng singer.

Ukol naman sa pagiging brand ambassador ng Platinum Karaoke sinabi ni Sheryn na dream come true ito. 

“It’s a dream come true to have a brand na sobrang nakaka-relate ang lahat at talagang nakaka-relate sa buhay ko. May mga nagba-viral tayong kanta na galing dyan sa karaoke mismo. And Platinum is a great, para siyang material, great instrument para mas maibigay natin ang musika natin sa bawat bahay.” 

Inilunsad din noong Sabado ang bagong jingle ng Platinum Karaoke sa pamamagitan ng dance performance kasama sina Sheryn at ang Sing It Loud hosts na sina Nicole Hyala at Jasper Tiongson at ang Hype dancers. Nagtapos ang jingle launch ng Platinum Karaoke sa isang high-energy mob dance.

Ang Platinum Karaoke jingle ay naka-angkla sa “Sing it loud, feel the vibe,” “Dito lahat, bida ka na,” at “Real Karaoke. Real Joy. Deserve mo ang saya.” Ginawan ng choreography ng event ang kanta, na sinalahan ng mga taong naroon noong hapong iyon.

Nagtanghal din si Lukas ng sarili niyang live set, habang ang PK Voice Grand Finalists na sina Trixie Dayrit, Alquin Gutierrez, Karla Rodelas, at Rosalyn Mejica ay pumuwesto sa entablado bago magsama-sama para sa isang group performance. Ipinasilip nila ang magaganap sa PK Voice Grand Finals sa Nobyembre 21, na iaanunsyo kung saan magaganap sa pamamagitan ng mga opisyal na channel ng Platinum Karaoke. 

Ipinakita rin noong hapong iyon kung paano pinalawak ng Platinum Karaoke ang pag-awit sa iba’t ibang espasyo — mula sa Modern Karaoke at Mga Party Speaker tulad ng Alpha 2 at LX15 hanggang sa mga portable na produkto ng PK Audio tulad ng Roadie at Apollo. Nag-aalok din ang Platinum Karaoke ng malawak na hanay ng mga mikropono na may zero mic delay at rich echo at reverb, na nagbibigay sa mga mang-aawit ng mas agaran at mas buong karanasan sa boses.

 Ang mga produkto ng Platinum Karaoke at PK Audio ay available sa buong bansa sa pamamagitan ng mga nangungunang consumer electronics retailer at mga pangunahing e-commerce platform, kabilang ang Lazada, Shopee at TikTok Shop. Para sa impormasyon ng produkto, mga detalye ng tindahan at mga update, bisitahin ang www.platinumkaraoke.com. May brandstore rin sila sa SM Makati; Vista Mall Bataan; Lucky Chinatown; Vista Mall Taguig; Ayala Malls Marquee, Pampanga; Ayala Malls Market! palengke!; Venice Grand Canal; Robinsons Starmills, Pampanga; Pacific Mall, Lucena; at Robinsons Lipa, Batangas. Sundan ang Platinum Karaoke sa Facebook sa Platinum Karaoke, Instagram sa @platinumkaraokephofficial, at TikTok sa @platinumkaraoke.ph.