MATABIL
ni John Fontanilla
PROUD na ibinahagi ng mahusay na batang direktor na si Fifth Solomon ang kanyang kauna-unahang award sa PMPC Star Awards for Movies.
Sa katatapos na 42nd PMPC Star Awards for Movies ay nanalo ng Best Ensemble Cast ang pelikulang ipinrodyus at idinirehe ni Fifth, ang blockbuster movie na Lasting Moments na pinagbidahan nina Sue Ramirez, JM de Guzman, Victor Silayan, Tommy Alejandrino, Wendy Villacorta, at Kych Minemoto.
Post ni Fifth sa kanyang Facebook account: “MAY PMPC STAR AWARDS TROPHY NA PO TAYO!!!
I’m still in awe! Hanggang ngayon, hindi pa rin ako makapaniwala!
Ang pelikulang aking idinirek, isinulat, at prinodyus na LASTING MOMENTS ay nagwagi ng BEST ENSEMBLE CAST sa PMPC Star Awards for Movies!
I always believe that 90% of directing is casting the right actors. Kaya naman lubos akong nagpapasalamat sa aming mahuhusay na artista na sina Sue Ramirez, JM de Guzman, Victor Silayan, Tommy Alejandrino, at Kych Minemoto, at sa buong cast na nagbigay-buhay sa pelikulang ito.
Maraming salamat din sa aking mga co-producer na sina Terence, Neil, Justine, Jed, at Chris, at sa buong production staff na naglaan ng kanilang oras, pagod, at puso para mabuo ang pelikulang ito.
Higit sa lahat, iniaalay namin ang parangal na ito sa lahat ng nakikipaglaban sa Alzheimer’s disease, at sa kanilang mga pamilya at mahal sa buhay na patuloy na nag-aalaga, nagmamahal, at hindi sumusuko.
Maraming salamat po sa PMPC Star Awards for Movies at sa lahat ng entertainment press na kumilala sa aming pelikula.
Mapapanood niyo parin ang Lasting Moments sa Netflix
MABUHAY ANG PELIKULANG PILIPINO! ”
