Jeo-mania pinagkaguluhan sa Ozamis kasama ang Purple Yam

Jeo Ong Oyos Mendoza Pokwang Purple Yam

JEO-MANIA na talaga!

Libo-libong fans ang dumagsa sa Asenso Ozamis Wellness Park sa Ozamis City nang ipakilala ang OngFam star at sikat na digital personality na si Jeo Ong bilang pinakabagong endorser ng Purple Yam.

Talagang nakabibingi ang sigawan at tilian mula sa fans na nakiisa sa biggest celebration ng Purple Yam sa mismong lungsod na nagsimula ang kuwento ng brand.

Paglabas pa lang ni Jeo, ramdam na agad ang energy ng crowd.

Mainit siyang sinalubong nina Purple Yam founder and president Oyos Mendoza at fellow celebrity endorser na si Pokwang.

Fresh at youthful energy naman ang hatid ni Jeo sa Purple Yam family at sa patuloy na dumaraming Pinoy dessert lovers na tumatangkilik sa brand.

“We’re very happy to welcome Jeo to the family,” wika ni Oyos.

“I’m grateful to Jeo for believing in what we built. Experiencing the incredible reception he got in Ozamis makes this partnership even more special,” dagdag pa.

Pero hindi lang si Jeo ang bagong pasabog ng Purple Yam that night.

Inilunsad din ang kanilang latest Pistachio Collection na kinabibilangan ng Frozen Pistachio Brazo de Mercedes, Ube Pistachio Messy Cup, at Pistachio Kataifi Brownies.

Ang bonggang launch ay concept ni comedian Pooh, na bilang Chief Marketing Officer ng Purple Yam ay nanguna sa team sa paghahanda ng event.

Hosted by ABS-CBN entertainment journalist MJ Felipe, nakisaya rin ang iba pang Purple Yam ambassadors na sina Mommy Jupeta, Bisaya Squad, at Magno Twins.

Special number naman ang hatid ng Magno Twins sa pagkanta ng Purple Yam: Ube-r Sa Sarap, ang theme song na sila mismo ang gumawa especially for Purple Yam.

Pero bukod sa Jeo-mania, naging emotional at special din ang celebration para kay Oyos at sa buong Purple Yam family dahil dito mismo sa Ozamis nagsimula ang kanilang pangarap.

“What started here in Ozamis was a dream that people believed in and supported,” sey pa ni Oyos.

“To come back here with new products, new members of our Purple Yam family, and thousands celebrating with us is something we will always cherish,” sabi pa.

Ngayon, may bagong products, bagong endorser, at mas malalaking pangarap na ang Purple Yam habang patuloy itong lumalawak mula sa pinagmulan nito sa Ozamis.

At base sa mainit na pagtanggap ng fans kay Jeo, mukhang sweet na sweet ang simula ng kanyang Purple Yam journey.

Available na ang Purple Yam Pistachio Collection sa selected branches.