Sweet John Lapuz: Teatre is booming  

John Sweet Lapus Puregold Teatro Panalo Festival True to Life

MATABIL
ni John Fontanilla

RAMDAM namin ang labis na kasiyahan ni John ‘Sweet’ Lapus nang pumasok ang kanyang isinulat na play sa 12 finalists ng kauna-unahang Puregold Teatro Panalo.

Hindi nga nito inakala na mapapasama siya sa 12 finalists sa 373 na nag-submit.

Masayang-masaya din ito dahil buhay na buhay ang mundo ng teatro sa bansa at marami ang tumatangkilik.

Pasok nga sa kauna-unahang edisyon ng Puregold Teatro Panalo ang kanyang isinulat na True To Life na mapapanood na mula Pebrero 20 hanggang Marso 14, 2027 sa Maybank Performing Arts Theater sa Bonifacio Global City sa Taguig.

Ayon kay John, “Hindi ko alam kung ito talaga ‘yung ultimate direction ng career ko.

“Pero one thing I can assure you, tuwang-tuwa ako at proud na proud at the same time that theater is booming.”

Dagdag pa nito, “Iyong mainstream actors nabibigyan ng oportunidad na ma-explore ang ibang medium at makatawid sa entablado.

“Actually, it’s a continuation of ‘Taksyapo’ (sikat niyang isinulat na play), ang ‘True to Life.’” 

Marami ngang dapat abangan sa kanyang play na ikaloloka ng marami.

Deadma nga ito kung masagasaan man o may magalit sa kanyang mga rebelasyon.

“May tendency na matakot sa akin iyong makakapanood nito or hindi na ako kaibiganin o magsolian kami ng kandila,” natatawa nitong pahayag.

Sa 12 finalists walo ang straight plays at apat ang musicals.  The Girl Scout Law by Rhain Arabella Alcoriza; True to Life  by Sweer; Trahedya ng Kamote by Marjay S. Manalastas; The Boy Foretold By The Stars (One Act Play) by Dolly Dulu; Nothing But Dreams by Ricardo C. Novenario; Youngstunna by Jerom Andrei M. Canlas; Walang Maliit na Bagay by Joshua Lim So; @HOME by Edralin Cabrera; Kathlyn Castillo, Michael Ian Lomongo, Marjorie Lorico, Maria Teresa Jamias, Wenah Nagales, & J Victor Villareal; Ang Maayong Balita Sumala Kang Bibo Bautista by Jude Thaddeus M. Gitamondoc; Baka mali ang Tamaraw by Emmanuel Benbinuto Antonio; Manang-Mana Nga! by Steven Hotchkiss and Jay Pangilinan; The Fourth Wall Has Fallen by Heber Justin P. O’Hara