Parada ng mga Bituin magaganap sa San Juan, Mandaluyong, at Bacolod

MMFF 2026

I-FLEX
ni Jun Nardo

KOMPLETO na ang final 8 official entries para sa 52 Metro Manila Film Festival. Naganap ang announcement last Monday sa The Atrium ng Shang-rila Hotel sa Mandaluyong City na isa sa cities na sponsored ang MMFF katuwang ang San Juan City.

Sa last four, ang pinalakpakan nang todo ng taong present sa venue ay ang A Perfect Marriage ng Quantum Films na bida sina Kim Chiu at Paulo Avelino mula sa direksiyon ni Dan Villegas.

Dalawa namang entries na may religious undertone ang kalahok–Seeds of Peace na isang docu-film tungkol kay Father Gallardo na gawa ni Rommel Galapia Ruiz starring Zaijian Jaranilla at Los Salvajes Bravos nina Romnick Sarmenta at Ruru Madrid mula sa gumawa ng Gomburza.

Ang isa pang official entry ay ang Little Hope nina Pepe Hererra at Yassi Pressman.

Ang unang apat na official entries na inanunsiyo ay ang Haunted Carnival ng Regal Entertainment, 2nd Miracle in Cell No. 7 nina Aga Muhlach at Jodi Santamaria, ang Amir ng GMA Pictures nina Dennis Trillo at Argus Aspiras, at ang The Greatest Showdown nina Vice Ganda at Vic Sotto.

Sa unang pagkakataon, may Parada ng Bituin sa Bacolod City sa December. Bukod ‘yan sa Parada Ng Bituin sa lugar ng Mandaluyong at San Juan City.

Magkakaroon din ng Pickerball Competition, Short Film Competition, at ang Gabi ng Parangal sa December 27.

At pinakabongga sa 52nd MMFF ay hindi lalampas sa P300 ang bayad sa sinehan!

Tangkilikin ang pelikulang Filipino simula December 25.