SA PAGBISITA ngayong UNDAS sa mga yumaong mahal sa buhay, maaari nang gamitin ng publiko ang Online Puntod Finder sa Manila at South Cemtery upang madaling mahanap ang puntod na kanilang pupunatahan.
Ipinaabiso ng Manila Public Information Office (MPIO), maaaring bisitahin ang manilanorthcemetery.ph at manilasouthcemetery.com upang matukoy ang lokasyon ng mga puntod bago ang paggunita sa All Saints’ Day at All Souls’ Day sa 1 at 2 Nobyembre.
Sa pahayag ng Manila South Cemetery, bukas ang sementeryo mula 5:00 ng umaga hanggang 9:00 ng gabi mula 31 Oktubre hanggang 2 Nobyembre. Hanggang 26 Oktubre ang paglilinis at pagpipintura ng mga puntod, habang 28 Oktubre ang huling araw ng libing, na magpapatuloy sa 3 Nobyembre.
Mula 29 Oktubre 29 hanggang 2 Nobyembre, bawal pumasok sa Manila North Cemetery ang lahat ng uri ng sasakyan, kabilang ang motorsiklo, e-bike, e-trike, bisikleta, scooter, at monowheel.
Ipinagbabawal din ang pagdadala ng ilegal na droga, armas, malalakas na speaker, sigarilyo, alak, alagang hayop, at mga gamit sa pagsusugal sa loob ng sementeryo.
Nabatid kay Manila North Cemetery Dandan Tan, pinasimulan na niya ang paglilinis at pagsasaayos sa mga kalsada sa loob ng sementeryo upang maiwasan ang mga aksidente sa mga dadalaw sa puntod.
