PINATAWAN ng 90-araw suspensiyon ng Land Transportation Office (LTO) ang driver’s license ni Quezon City 2nd District Councilor Ranulfo “Rannie” Ludovica nang mahuling nagmamaneho ng 3-wheel motorcycle nang walang helmet.
Agad piindaldan ng Show Cause Order (SCO) si Ludovica upang humarap sa Intelligence and Investigation Division (IID) sa 22 Oktubre 2026 at magsumite ng kanyang sinumpaang salaysay o paliwanag sa insidente.
Ayon kay LTO Chief Markus Lacanilao, kumalat ang isang video ni Ludovica na naglilibot kasama ang ilang opisyal ng barangay sa Quezon City.
Sinabi ni Lacanilao na maaaring maharap ang konsehal sa paglabag sa Mandatory Use of Motorcycle Helmets Act dahil sa hindi pagsusuot ng standard na helmet habang naglalakbay sa pampublikong kalsada.
