Nico Valdez palaban sa My Hentai Girlfriend

Nico Valdez Ashley Lopez My Hentai Girlfriend

MATABIL
ni John Fontanilla

PROMISING, guwapo, at matikas ang bagong VMX actor na si Nico Valdez na isa sa makakasama sa VMX film na My Hentai Girlfriend na pinagbibidahan nina Ashley Lopez at Gold Aceron at mula sa direksiyon ni Bobby Bonifacio Jr..

Ayon kay Nico napakahalaga ng role niya sa movie, mula simula hanggang sa katapusan.

“Sobrang importante po ng character ko rito, mula simula hanggang ending. Ako po ‘yung matiyaga rito sa movie.”

Dagdag pa nito, “Ako po ‘yung bestfriend ni Ashley dito, si Dom na masugid na naghihintay sa kanya kahit mayroon na siyang iba.”

Isa sa paboring past time ni Nico ang manood ng anime at paborito niya ang solo levelling.

Makakasana ni Nico sa My Hentai Girlfriend sina Ashley Lopez, Gold Aceron, at Akira Takamura na mapapanood sa VMX simula October 9, 2026.