MATABIL
ni John Fontanilla
MARIING pinabulaanan ni Maui Taylor ang isyung pinatanggal nila ang grupong VMX Babes sa kanilang reunion concert, ang Bulaklak na magaganap ngayong Oktubre.
Tsika ni Maui sa mediacon ng bago niyang project sa VMX, ang Pantaxa Laiya Uncut na siya ang nagsilbing host, “First thing, wala po kaming power para magpa-cancel ng artist.
“I will clarify for the first and last time, it is a management decision.
“Hindi dahil sa amin iyon, we do not have the power to do that.”
Sinagot din ni Maui ang kini-claim ng VMX Babes na naniniwala siyang mas magaling sila kaysa Viva Hot Babes.
“Sana walang tapakan. I don’t think may tinapakan ang grupo namin para makarating sa kung sino kami at kung nasaan kami.
“Ang hindi lang namin gusto ay sunod-sunod ang press release nila na they are better than the Viva Hot Babes. Ano pa ba? Ang dami pang lumabas, eh.
“VMX Babes have to prove themselves, see you in 20 years.”
Ang VMX special, Pantaxa Laiya: Uncut ay mapapanood simula October 13. Hosted by Maui, directed by Carlo Alvarez.
Mapapanood dito ang mga raw material at ang mga BTS o behind-the-scenes na kuha sa Pantaxa Laiya reality show featuring Vivamax stars.
Pantaxa Laiya is a reality show that aims to choose the next Viva SEXY stars. Walo ang naging contestants sa programa– Angelica Hart, Audrey Avila, Aiko Garcia, Apple Dy, Aria Bench, Aila Cruz, Armina Alegre, at Cess Garcia.
