Ice at Liza nilinaw pag-video sa concert ’di ipinagdadamot

Ice Seguerra Ice Sings An Intimate Concert Series Musical Hits

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez

HINDI ipinagdadamot. Ito ang nilinaw nina Ice Seguerra at Liza Diño Seguerra ukol sa pagsita nila sa mga nag-upload ng buong concert, ang Sessionistas: The Playlist kamakailan.

Nilinaw ng mag-asawang Ice at Liza sa mediacon ng Ice Sings! An Intimate Concert Series: Musical Hits na gaganapin sa Music Museum sa November 6 at 7 na hindi nila ipinagdadamot ang concert na nagtampok kina Ice at iba pang kasama sa Sessionistas.

“Malayo po siya… at the end of the day, it’s about the intention,” paglilinaw ni Ice.

Sinabi naman ni Liza na hindi directed sa fans o ordinaryong concertgoers ang ginawa nilang apela kundi sa content creators na malinaw na nanonood para lamang makakuha ng videos na imo-monetize sa kanilang digital platforms.

“Pamimirata,” ani Liza. “It wasn’t directed sa audiences at sa mga nanonood na nagte-take ng mga short clips, ‘di ba? 

“Yung they wanna document their experience, they wanna document the favorite song at that moment that they heard it. I know that medyo gray area siya, like gaano kahaba ba ‘yon? What does that mean? 

“Pero there are also those na nakita namin na very deliberate ‘yung kanilang posting. 

“It’s not for the purpose of sharing their experience but to really monetize. And you’ll see it.”

Iginiit pa ni Liza na sila ang sumasalo ng bigat sa pagma-mount ng performances.

“Siyempre mahal ang mag-produce ng concert, so we need to think of ways to be able to create more revenue streams not just from the concert alone. 

“So ‘yun lang naman ‘yung naging concern namin,” wika pa ni Liza.

“It’s like going to a movie house, ‘di ba, taking out your camera and shooting the film. It’s the same thing,” sambit naman ni Ice.

Ukol naman sa Ice Sings! Kung ipagbabawal na ba talaga nila ang cellphone o camera, hindi pa nila napag-uusapan pero natanong na sila ng venue na pagtatanghalan.

“‘Di ba when we say musical, when they do theater plays, they’re very strict with ‘yun nga, recording? So I don’t know if we will have the same consideration,” ani Ice.

Nabanggit din nina Ice at Liza na maging sila ay nagte-take rin ng videos o pictures ng mga paborito nilang singers o banda kapag nanonood ng concert. 

“Ayaw din naming tanggalin ‘yung experience na ‘yun na mayroon silang memorabilia. Kasi ako, I would go back to those videos na skinunanko, over and over.

“But uploading it, and making money out of it intentionally. I think nangyayari na ‘yun, eh. People go, these vloggers go sa concerts kasi they intend to shoot it and really upload and make money out of it.

“If you enjoy our concert and you wanna take a video of it for keepsake, para sa ’yo or kahit upload mo lang sa Facebook mo na ‘I’m here’ (okay lang),” giit pa ng magaling na singer.

Ukol naman sa vloggers na nag-upload ng Sessionista concert, nakapag-reach out na sila via e-mail at nakapagpaliwanagan na.

“Ako naniniwala ako sa maayos na pag-uusap. Siguro nagkaroon lang ng miscommunication,” wika pa ng creative director ng Ice Sings.

Samantala, malawak ang magiging repertoire ni Ice sa two-night Ice Sings! na makakasama niya bilang bagong musical partner ang Fil-Am musical director na si Troy Laureta, na nakatrabaho na ang ilang foreign acts tulad nina Ariana Grande, Justin Beiber, at Nicole Scherzinger.

Asahan ding kakantahin ni Ice sa concert ang On My Own mula sa Les Misérables; I Don’t Know How to Love Him mula sa Jesus Christ Superstar;  For Good mula sa Wicked; at Friend Like Me mula sa Aladdin. 

Minsan nang gumanap si Ice bilang Genie sa entablado. Ang muling pagbisita ni Ice sa mundo ng musikal ay nag-aalok ng isang sulyap sa mapaglarong bahagi kasama ang mga kantang kilala sa kanya ng mga manonood para sa pagbibigay-kahulugan ng may lambing.

Ang ICE SINGS! An Intimate Concert Series: Musical Hits ay magaganap sa November 6 at 7, 2026, 8:00 p.m. sa Music Museum. Ito ay prodyus ng Fire & Ice Live at ang tickets ay mabibili sa TicketWorld: https://bit.ly/IceSingsAnIntimateConcert; Fire & Ice Ticket Office: [email protected] (0917 877 1758). 

Production and partners Presented by: Fire & Ice LIVE Official Accommodations Partner: Citadines Millennium Ortigas Manila Media Partners: WhenInManila.com and Music Manila Special Thanks: Nature’s Spring.