Sylvia, Nour Hooshmand rumampa sa Busan Int’l Filmfest 

Sylvia Sanchez Nour Hooshmand

RUMAMPA si Sylvia Sanchez kasama ang bida ng pelikulang Ria na si Nour Hooshmand sa  31st Busan International Film Festival (BIFF) sa South Korea noong Martes. 

Sa mga picture na ibinahagi ng Nathan Studios Inc., makikitang magkasama sina Sylvia, producer ng Ria at ang lead star nitong si Nour na handang-handa na para sa pagrampa sa Red Carpet ng Busan Int’l Filmfest.

Kasama rin si Sylvia sa pelikulang Ria na ginagampanan ang karakter ni Olga, ang matriarch na may diabetes ng isang komunidad sa Maynila. Magkakaroon ng world premiere ang Rira sa naturang international filmfest na nagsimula noong Martes, Oktubre 6 at tatagal hanggang Oktubre 15.

Si Nour naman si Ria, isang batang folk-punk musician na lumalaban para protektahan ang kanyang komunidad laban sa demolisyon.

Ang Ria ay idinirehe ni Arvin Alindogan Belarmino at napili sa kompetisyong Vision-Asia sa Busan International Film Festival.

May apat na screening schedule ang Ria sa BIFF, Saturday (October 10) sa Busan Cinema Center 2; Monday (October 12) sa CGV Centum 4; Tuesday (October 13) sa CGV Centum 1 at Wednesday (October 14) sa Busan Community Media Center.

Bukod sa Ria kasama rin ang mga pelikulang Nagi Notes at Filipiniana, mula pa rin sa Nathan Studios Inc. sa BIFF. (MV)