From Singapore to Manila
Kelot arestado sa kasong syndicated estafa sa NAIA

Police Arrest

NAUNSIYAMI ang ‘ligaya’ ng isang 32-anyos lalaking naglamyerda sa Singapore ngunit pagdating sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 3 ay sinalubong ng malamig na posas.

Nag-ugat ang operasyon sa koordinasyon ng mga tauhan ng Regional Intelligence Division, Regional Special Operations Group 3 (RID, RSOG3), at ng PNP Aviation Security Group, NAIA Police Station 3, noong Linggo, 27 Setyembre, kaugnay ng warrant of arrest na inisyu noong 10 Setyembre 2026, ng Angeles City, Pampanga RTC Branch 57, walang inirekomendang piyansa sa kasong syndicated estafa.

Bago dakpin ang akusado, nakipag-ugnayan ang mga tauhan ng pulisya sa airline upang beripikahin ang katayuan sa paglalakbay ng suspek at kinompirma na siya ay sakay ng isang eroplano mula sa Singapore.

Pagdating sa paliparan, ipinatupad ng joint team ang warrant at sinubukang dumaan sa International Arrival Area.

Pormal na inaresto ang akusado, ipinaalam ang uri ng pag-aresto laban sa kanya at ang kanyang mga karapatan sa konstitusyon.

Sa pag-aresto sa akusado, gumamit ang mga awtoridad ng Alternative Recording Device sa operasyon.

Kasalukuyang nananatili ang suspek sa kustodiya ng RID, RSOG3 sa Camp Olivas, sa lungsod ng San Fernando, Pampanga para sa dokumentasyon at wastong disposisyon.

Pahayag ni P/BGen. Dionisio Bartolome, Jr., direktor ng PNP AVSEGROUP, ipinapakita ng nasabing pag-aresto ang kahalagahan ng napapanahong pagbabahagi ng impormasyon at mahigpit na koordinasyon sa pagitan ng mga yunit ng pulisya at mga awtoridad sa paliparan upang matiyak na ang mga taong hinahanap ay mapapanagot. (MICKA BAUTISTA)