MATABIL
ni John Fontanilla
BONGA si Nadine Lustre dahil bukod sa nominado ito sa Best actress category ng 42nd PMPC Star Awards for Movies para sa mahusay nitong pagganap sa pelikulang Call Me Mother, itatanghal din itong Takilya Queen kasama si Vice Ganda bilang Takilya King.
Makakalaban ni Nadine sa Best Actress Category ang ilan pa sa mahuhusay na aktres na sina
Mylene Dizon (Habang Nilalamon Ng Hydra Ang Kasaysayan); Bela Padilla (100 Awit Para Kay Stella); Angelica Panganiban (Unmarry); Maris Racal (Sunshine); Charo Santos-Concio (Only We Know), at Maricel Soriano (Meet Greet Bye).
Gaganapin ang 42nd Star Awards for Movies sa Oktubre 25, 2026 (Linggo) sa Winford Resort and Casino Manila. Produced by Revival King Jojo Mendres at ang EV Production and Events. Si Vivian Poblete Blancaflor ang tatayong direktor ng awards night.
