I-FLEX
ni Jun Nardo
NAGLABAS ng opisyal na pahayag ang TVJ Management kaugnay ng viral na video na Senti Sabado video na personal na bonding content ni Maine Mendoza.
Naispatan sa video ang Dabarkads na si Ian Red na nagmamaneho ng sasakyan na hindi suot ang seat belt!
Eh nakatanggap ng bashing ang Eat Bulaga kaya naglabas sila ng official statement.
Ayon sa statement, hindi official taping ‘yon ng show. Off cam ‘yon sa private SUV.
“Ang may pananagutan sa LTO ay ang INDIVIDUAL na nagmamaneho – si Ian Red. Siya ang walang seatbelt, siya ang bumaba sa gitna ng kalsada, siya ang ay hawak ng manibela. Hindi si Bossing, hindi si Tito, Joey, hindi ang buongTVJ.
“Ang Show Cause Order na 90-day preventive suspension ay naka-pangalan kay Ian at sa owner ng sasakyan. HINDI sa production.
“Tama lang ang aksyon ng LTO – safety first. Peri huwag nating gamiting dahilan para i-cancel buong show. Kung may pagkukulang ang management, ‘yun ay ang paalalahanan ang hosts na maging responsible sa content, pero hindi sila ang dapat parusahan sa personal na desisyon ng driver.
“Lesson learned para sa lahat ng content creators. Masaya mag-content pero seatbelt at focus sa kalsada muna.”
Naku, porke celebrity eh you can get away with murder, huh! Be responsible content creator!
