Yda biktima ng pang-aabuso, anak na babae tinutukan

Shannon Sizon Yda Manzano Margaret Diaz

HARD TALK
ni Pilar Mateo

SA September 25, 2026, magsisimula mag-stream sa VMX ang Isla ni direk Roe Pajemna at pinagbibidahan ni Margaret Diaz kasama sina Shannon Sizon, Mayumi de Vera, at Yda Manzano with Mark Anthony Fernandez and Mark Dionisio.

Sa presscon nito, naging interesado ang press sa mga kwento ni Yda na maraming naikuwento tungkol sa kanyang naging  mga lovelife. At kung paano siya natutong lumaban sa buhay.

Kahit bata pa siya nang dumating ang matinding pag-ibig sa buhay niya sa isang Koreano, inilaban niya ito para ‘di mawala sa buhay niya pero pinakawalan pa rin niya. 

Nagkaroon ng magandang buhay dito si Yda. Hindi man sila nagka-anak naging daan ‘yun para sa isang maalwang buhay.

Sumubok pa rin pero hindi nag-work. Nagka-anak ng isang babae sa huling BF na Pinoy. At ito na ang naging sentro ng buhay niya ngayon.

Kaya sa Isla (na remake ng Maria Isabel Looez starrer ng kung ilang dekada na) na ikatlong salin na, naintindihan ni Yda ang papel ng isang ina sa kanyang anak at kung paanong ipagtanggol ito.

Sa puntong ito nagsiwalat si Yda na noong limang taong gulang pa lang siya ay namolestiya siya.

Kaya naman tutok siya sa anak na babae. Sa pangangalaga rito. Kaya  ang pansarili niyang kaligayahan ay halos talikuran na niya.

Sa ka-back-to-back presscon naman na VMX TAPES Volume 2 na pinagbibidahan ni Shannon Sizon, ang naisiwalat naman ng idinirehe ni Ray Gibraltar na proyekto na matutunghayan  sa Oktubre 2, 2026, ay ang pagpupursige niyang maging isang abogada.

Bunga ito ng hindi naging magandang pagtrato ng ama sa kanyang ina. At ang kawalan ng suporta ng ama para sa kanyang edukasyon.

Kaya kinakasihan si Shannon ng magandang mga pangyayari sa buhay. Isa na rin siyang beauty queen at businesswoman.

Walang pake si Shannon sakaling maka-engkuwentro siya ng bashers. Gagawin niya kung anuman ang idikta ng isip at puso.

At pagdating sa pelikula, inaasam niyang magkaroon ng remake ng isang Rosanna Roces movie na siya ang magiging bida.

“I want to be the next Rosanna Roces!,” bulalas nito.

Ayan ang dalawang magkasunod na VMX features na siguradong kikiliti na naman sa imahinasyon at panlasa ng mga manonood. 

Shannon hosts the VMX TAPES showing the wildest fantasies ang imagination of scandal-inspired video segments.

While si Margaret, ang island girl na umaasam na makaalis na sa kanilang isla at nagiging tampulan ng mga pangako ng mga kalalakihang nagiging balakid sa plano niya.