Zsara Laxamana iba’t ibang klase ng masahe ipakikita

Zsara Laxamana Masahe

RATED R
ni Rommel Gonzales

MAY bago at sexy na special feature na magpapainit sa malamig at maulan na buwan ng September. I-stream na ang Masahe  sa VMX.

Isang VMX special feature na gigising sa ating katawang lupa. Hosted by Zsara Laxamana, sisimulan ang palabas sa isang pre-massage bath na makakasama niya ang kapwa VMX artists na sina Joko Rivera at Yasmin Alba para mailagay sa tamang mood ang mga manonood.

Una sa mga uri ng masahe na makikita ay ang tantric massage, na mabagal lamang ang mga haplos sa maseselang bahagi ng katawan hanggang makaramdam ito ng “ultimate climax”. Para sa mga lalaki, ang tantric massage ay tinatawag na lingam habang yoni massage naman sa mga babae.

Ang nuru massage ay ginagamitan ng maraming langis sa katawan para maging madulas ang pakiramdam sa dalawang katawang nagkikiskisan.

Ang autoerotic massage ay isang paraan para i-stimulate ang sarili. Nakatutulong ang masaheng ito para malaman ang sexual energy ng isang tao.  

Samantala, dalawang masahista ang kailangan para magawa ang four-hand massage na dapat coordinated ang mga galaw ng kanilang kamay sa taong minamasahe. Asahan ang threesome sa mga eksenang mapapanood.

Ikatutuwa ngfans ni Laxamana na hindi nagtatapos sa pagiging host ang kanyang papel sa programang ito dahil siya mismo ay makararanas ng isa sa mga masaheng nabanggit.

Sa direksiyon ni Rodante Y. Pajemna, Jr., ang Masahe ay tiyak na erotic! Kaya huwag itong palampasin mula sa VMX.