Nadine at Kathryn muling pinagsasabong ng fans

Kathryn Bernardo Nadine Lustre

MATABIL
ni John Fontanilla

BUHAY na buhay na naman ang fans ng dalawa sa pinakasikat na aktres sa bansa, sina Kathryn Bernardo at Nadine Lustre.

Sa paglabas ng mga larawan ng dalawang aktres para sa promotion ng kani-kanilang ineendosong brand ng pantalon ay pinagtalunan ng fans ng mga ito sa social media kung sino ang mas sexy.

At ilan nga sa naging komento ng kanilang mga tagahanga ang sumusunod.

“For me, mas sexy si Nadine.”

“Nagtataka lang ako, di ba’t jeans ang binebenta, bakit ang naging pokus ay iyong panty niya.”

“Ready na raw siya for more daring roles.”

“Objectively speaking, Nadine’s jeans caught more attention, which is really what she’s modeling.”

“Hahaha.Naghahamon si atecco kay Nadine.”

“Ayaw pakabog kay Nadine.”

“Kabogera si Kathryn pero pahuhuli ba si Nadz.”

“Hindi naman siya bastusin pero sa akin, Nadine is more comfortable in her own skin.”

“Bet kong makita ang battle of the abs.”