QCPD alerto sa 2-day transport strike

QCPD Quezon City

ALERTADO ang Quezon City Police District (QCPD)  para sa dalawang araw na transport strike at kilos-protesta ng MANIBELA ngayong araw, 14 Setyembre at bukas, 15 Setyembre.

Sinabi ni QCPD District Director PBGen Christopher Olazo, magpapakalat ng mga pulis sa mga strategic area upang tiyakin ang seguridad, maayos na trapiko ng mga sasakyan, at tutulong sa mga maaapektohang commuter.

Inaasahang magsisimula ang protesta sa Welcome Rotonda, Quezon City bago tumungo sa Mendiola Bridge, San Miguel, Maynila.

Iginiit ng QCPD na iginagalang nito ang karapatan sa mapayapang pagtitipon, kasabay ng panawagan sa mga kalahok na panatilihing mapayapa, maayos at naaayon sa batas ang pagkilos.