KGOC Sportsfest The Finale 2026: taunang paligsahan para sa mga empleado

KGOC Sportsfest Kryzel Jorge

HARD TALK
ni Pilar Mateo

IBA talaga ang kinikilalang pinaka-batang CEO ng kanyang panahon sa kanilang negosyo na si Kryzel Jorge.

Another feather added to her cap.

Matagumpay na idinaos ng Kryzl Group of Companies (KGOC) ang KGOC Sportsfest The Finale 2026, na nagsilbing taunang paligsahan para sa mga empleado ng kompanya.

Sa loob ng pitong taon, patuloy na isinasagawa ng KGOC ang Sportsfest bilang bahagi ng pangangalaga nito sa kapakanan ng mga empleado. Layunin nitong mabigyan sila ng pagkakataong makapagpahinga mula sa trabaho, maipakita ang kanilang mga talento, mapalakas ang samahan, at muling magkaroon ng inspirasyon sa pagtupad sa kanilang mga tungkulin.

Walong kompanyang nasa ilalim ng KGOC ang nagtagisan sa basketball, volleyball, at cheering competition: Kryzl Manufacturing Corporation, Lydia Jose Manufacturing, Inc., Salvation HR Solutions, Purple Hearts Production, Kryzl Land Real Estate, Kryzl Farmland, Love Kryzl and Siblings Co., at JoyLink Global.

Higit pa sa kompetisyon, ipinakita ng Sportsfest na sa KGOC ay may puwang ang bawat isa—bata man o nakatatanda, nakapagtapos man o hindi. Para kina KGOC Founder Kris Jorge at Chairwoman Liezl Jorge, ang sipag, katapatan, at kontribusyon ng bawat empleado ang tunay na lakas ng kompanya.

Nagbahagi rin ng mga mensaheng nagbibigay-inspirasyon ang magkapatid na sina CEO Charles Angello Jorge at Little CEO Kryzl Jorge bilang bahagi ng pagbubukas ng programa.

Ipinagmamalaki ng mag-asawang Jorge ang kanilang mga empleado at nangakong patuloy nilang pangangalagaan at palalakasin ang KGOC. Hangad nilang manatiling matatag ang kompanya sa mga susunod pang henerasyon—hindi lamang para sa mga kasalukuyang nagtatrabaho rito, kundi para rin sa kanilang mga anak, pamilya at mga susunod na salinlahi.

Kinoronahan bilang Basketball Champion ang Kryzl Manufacturing Corporation, habang nakuha naman ng Purple Hearts Production ang kampeonato sa volleyball. Itinanghal naman bilang Cheering Squad Champion ang LuxeMixx Manufacturing Co. Kinilala rin ang mga runner-up, outstanding players, at mga nagwagi sa special awards at special games.

Lalong naging makulay ang pagdiriwang sa pakikiisa ng Team Payaman sa basketball exhibition game. Pinangunahan ito ni Cong TV, kasama sina Junnie Boy, Boss Keng, Dudut, Burong, Yow, Carding, Bok, Steve, Nelson, Matthaios at Igme. Naghatid sila ng saya, enerhiya at hindi malilimutang karanasan sa buong KGOC community.

Naging tampok din sa programa ang mga pagtatanghal ng mga empleado sa cheering squad, na hinusgahan ng mga celebrity judge na sina Nadine Samonte, Queenay Mercado, Viy Cortez, Jose Enrique Marfori, Charee Pineda, Martell Soledad, Petchie Ragos, Geraldine Uy, Yvonne Camay, Atty. Kim Hipolito, Tricia Laurete, at The Jorge Siblings.

Sa kabila ng kani-kanilang mga gawain, maulang panahon, baha, malayong biyahe at matinding trapiko, buong-puso silang dumalo upang suportahan at kilalanin ang talento at pagsisikap ng mga empleado.

Ang tagumpay ng KGOC Sportsfest The Finale 2026 ay patunay na kapag pinagsama ang disiplina, teamwork, respeto at malasakit, walang hamon na hindi kayang lampasan.

Para sa KGOC, hindi lamang ang mga nag-uwi ng tropeo ang maituturing na mga kampeon. Ang bawat empleadong lumaban, sumuporta, at nagbigay ng buong puso para sa kanilang koponan at kompanya ay bahagi ng tagumpay.

Sa KGOC, lahat ay kampeon—dahil sama-sama nilang itinataguyod ang magandang kinabukasan ng kompanya, ng kanilang mga pamilya at ng mga susunod pang henerasyon.

Huwag na muna nating kalkalin ang kanyang net worth at this point.

Basta ang alam ng lahat ng nakakikilala na nagsimula na ang pagiging generous niya kahit noong tatlong taong gulabg pa lang lamang.

Giving for her is receiving. But giving more is what she does!