Stars Reignited concert may repeat

Stars Reignited

HARD TALK
ni Pilar Mateo

HINDI nakapigil ang ulan para sa sold-out concert night ng EV Productions ni Direk Vivian Poblete at Maestro Elmer Blancaflor sa Stars Reignited featuring the seven denizens of the Metropop Contests in the past years.

May mga nag-champion. Nag-runner-up. 

Sa isang gabi ng pagkikita-kita, inuman baga, biruan lang kung tutuusin, nabuo ang isang plano. Na si Miles Poblete ang nag-call!

Months later, eto na nga ‘yung pagsa-sama-sama nila nina Faith Cuneta, Champagne Morales, Camille Velasco,  Anna Katrina Lara, Xaxa Manlo, at ang nakalampag pa na nananahan na sa Taiwan na si Roxanne Barcelo.

Hindi naman sila basta makakalimutan. Kasi, umingay ang mga pangalan nila. Pero dahil sa pangangailangan, may kanya-kanyang panuntunan sa bihay din silang sinunod. 

May nag-aral. Nagnegosyo. Naging piloto at iba pa.

Dahil nga siguro sobra silang na-excite sa natirang project na inihain sa Teatrino noong September 5, mayroong halos hindi na nakakatulog ng ilang gabi para sa paghahanda sa show.

Pinanood ko. Well thought of ni direk Vivian ang mga kantang inawit ng bawat isa. Pati ng ensemble. Pati sayaw. 

Ang nakagulat pa nga sa akin, ang magandang tendition ni Cye ng Natural Woman. Grabe ang ginawa ni Maestro.Elmer dyan para maipalabas ang tunay na boses niya. At hindi puro Karen Carpenter na lang ang naririnig sa kanya. And she nailed it!

Tuwang-tuwa ang lahat sa suporta ng pamilya, kaibigan, mentors at mga naging daan sa naging tagumpay nila sa Metropop.

Kaya sa November 28, 2026, le-level-up na ang tropa. Sa Music Museum na sila. At ngayon pa lang, dahil sa magagandang review na natamo,  umapaw na ang pagpapa-reserve ng tickets.

I would say sila ang mga artist na nabantilawan. Dahil na rin sa mga personal na desisyon na pinili nila. Pero ngayong lahat sila ay fulfilled na with their life’s purpose-maging maybahay,  ina, negosyante at iba pa—nasa backburner lang ang kanilang musika.

It’s their time to shine. Kanya-kanya lang naman ng daanang tinatahak.  Hindi maninindak ang pagbirit nila. Given na, eh.

‘Yung pusong taglay nila sa paghagod ng kanta kahit pa sabihing medyo slight lang ang pagtataas-taasan ng boses sa piyesa. Gaya ng ginawa sa Maybe This Time. At sa Inseparable. Henyo naman kasi ang musical director. Alam kung saan may bibirit!

Ang mga awit na maigeng napili nina direk Vivian at Maesto Elmer ay ang  medley ng I’m Every Woman/I Wanna Dance with Somebody, Get Here, Where Do We Go From Here, Manila, Mr. Melody, Time After Time, Friend of Mine, A Song for You, Bakit Pa?, Die on This Hill, How Could An Angel Break My Heart, On The Wings of Love, Man, I Feel Like a Woman, Anak ng Pasig, Journey to the Past, Save Me, I Think I’m in Love, Nearness of You, Part of Your World, A Dream Worth Keeping, Pag-Ibig Ko’y Pansinin, ‘Di Ko na Kaya, Ikaw, at Pangarap na Bituin.

Paano akong ‘di mag-e-enjoy at gugustuhing makapanood sa kanila? Bukod sa panahon ko nang sumikat maski hanggang ngayon ang mga kanta, those were their  audition and winning pieces. Kaya memorable. At sa bawat hirit, may story behind.

May repeat, kaya ‘wag kaligtaan! Malakas man o mahina ang ulan!