MATABIL
ni John Fontanilla
NAGSIMULA na ang tanggalan sa inaabangang Star Quest, ang Artista Search ng I Gee Studios. Hosted by Blue Dreamers PH at sina Jam at James.
Last September 6 ay tatlo agad ang natanggal mula sa sampung questors.
Dalawa ang na-evict dahil sa ‘di pagdalo sa activities ng Star Quest na sina Jemme at Steven at si Hart na nakakuha ng mababang boto na 81.6 % mula sa pinagsama-samang scores mula sa mga hurado—50% (na ipinakita nila ang husay sa pagsayaw, pagkanta, pag-arte, at hosting), voting 25%, at sa I Gee Studios Productions. 25%.
Maglalaban-laban pa sa iba’t ibang challenges ang natitirang pitong questors na sina Arwen, Nachi, Dana, Ecko, Pen, Yuna, at Noah.
Nagwagi naman sa Level Up Dance Battle ang grupong PHUDA at
isang pasabog na performance ang ibinigay ng resident PPop Group na Sweet Label at ang Ppop Guest of the Week, ang mga All Female PPop group na Ziren sa segment na PPop Spotlight.
Nagsilbing hurado ng araw na iyon sina Sarah Javier (Singer, Songwriter, Actress, and Beauty Queen), Myke Monses (TV Dancer & Choreographer), at ang mga resident judge na sina DJ Janna Chu Chu ng Baranggay LSFM 97.1- GMA 7 at si Ralfonso Pangulan, CEO of Buzzin Q Entertainment Company.
Espesyal na panauhin naman at nagbigay-aliw sa mga manonood si Nadj Zablanna inawit ang kanyang inspirational song na Luntian under GMA Music and GMA Kapuso Foundation.
Inilunsad din noong Linggo ang bagong kasalo ng I Gee Studios ang Coca Cola na makakasama ng buong barkada.
Kaya naman ugaliing manood ng I Gee Studios every Sunday, 7:00 to 8:00 p.m. sa Onflix at I Gee FB page at abangan sa Sept. 13 kung sino naman ang susunod na matatanggal sa inaabangang Star Quest.
