MATABIL
ni John Fontanilla
MAY magandang mensahe ang advocacy film na Mantsa para sa mga magulang ayon sa mahusay na teen actress at isa sa lead star ng pelikula na mapapanood sa October 7, 2026 sa mahusay na direksiyon ni Louie Ignacio.
Ayon kay Shira, “I would say lesson talaga, especially for the parents.
“Kasi of course kasi lahat din mostly sa mga bata nagsisimula talaga sa magulang from their roots talaga, how really you take good care of your child.
“It’s really a big deal, sobrang laking bagay kung paano mo alagaan ang anak mo? Kung paano mo pinalaki anak mo, lahat lahat.
“Of course sino pa ba ang titingnan ng mga bata kundi mga magulang nila o like kung sino man ang nag-alaga sa kanila, who took care of them.
“So really it’s a big deal talaga kung saan ka nanggaling, like ‘yun nga ‘yung parents mo kung sino ang nagpalaki sa ‘yo at exactly kung paanp ka pinalaki.
“For me, mas tutok siya for the parents i would say,” wika ni Shira.
Hindi rin naiwasang kabahan ni Shira nang malaman niya ang role na gagampanan sa psychological thrilller film na Mantsa.
“Noong una ko pong narinig ‘yung role na ito kinabahan ako, kasi I was doubting myself na kaya ko ba? Magagawa ko ba?
“But thankfully sa lahat ng coach nila direk Louie, sa lahat po they really help me.
“Of course once kasi na you have a co-actor they gonna help you rin, like hindi naman puwede na sari-sarili lang.
“They really help me throughout the whole scene sa set and everything, especially kay Tita Gelli (De Belen) and Tita Pilar (Pilapil), hindi po nila ako pinabayaan sa set.
“They really give me advices, they really make me feel na I’m home na parang comportable lahat and everything surreal,” sabi pa ng batang aktres.
Ibinahagi rin nito na may mga eksena siya sa movie na kahit nakauwi na siya sa bahay ay naiisip pa rin niya.
“Siguro po mostly ‘yung mabibigat na scene for me ‘yung kahit pag-uwi ko naiisip ko pa rin siya, na parang what if there’s someone who’s actually going through that?
“What if there’s actually struggling in that certain position?
” For me naman, thank God hindi naman ako talaga na-stuck mentally, pero it’s something scary eh.
“You should be aware about what if na puwedeng mangyari sa ‘yo. “
Makakasama ni Shira sa Mantsa sina Gelli De Belen, Ms Pilar Pilapil, Khai Flores, Lloyd Samartino, Dino Guevarra, Miles Poblete, Than Perez, RJ Ariar, Jass Dela Torre, Milli Marzo, Ghia Garcia, Bo Bautista, LA Santos, Raine Barretto.
With the special participation of lSnooky Serna and Janice De Belen.
Directed by Louie Ignacio and produced by Bambbi Fuentes and Tine Areola of Dragons Talent Management and Productions. Mapapanood sa October 7 sa mga sinehan nationwide.
