MA at PA
ni Rommel Placente
SA panayam ng Fast Talk with Boy Abunda kay Lotlot de Leon, natanong siya tungkol sa mga isyu ng kanilang pamilya, partikular na ang hindi nila pagkakaunawaan ni Ian.
Sabi ni Lotlot, “Ipinapasa-Diyos ko na lang. I mean in God’s time… I surrender na lang. I don’t want to… ayokong pangunahan ang Panginoon.
“Basta ako, I’m focusing on my own life, sa mga anak ko, sa asawa ko, sa trabaho ko. Sa mga kapatid ko naman, kapag kailangan nila ako, nandiyan lang din ako,” aniya pa.
Pag-amin pa ng seasoned actress patungkol sa kanila ni Ian, “Hindi pa kami nagkakausap eh. But you know, whatever his plans are, I wish him well. I wish him well, I wish him to succeed, I wish him all the best.
“Basta ako, as I said, I’m focusing on myself, sa mga anak ko, sa trabaho ko, and kung kailangan ako ng mga kapatid ko I will always be here,” sabi pa ni Lotlot.
Nauna rito, inihayag ng kapatid nilang si Matet de Leon na hindi sila nag-aaway-away sa pamilya at knows na nila na si Ian ang sole legal heir ni Ate Guy.
